Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hugot lines ni Angelica, ayaw patulan ni JLC

AYAW patulan ng Home Sweetie Home actor na si John Lloyd Cruz na patama sa kanya ang mga hugot line ni Angelica Panganiban sa  Banana Sundae. Naniniwala siyang hindi intentional ‘yun para sa kanya.

Nabibigyan lang ng kulay at napapansin ang mga hugot ni Angelica dahil nataon naman na fresh pa rin ang hiwalayan nila at parehong nasa move-on process.

Actually, pinag-uusapan din ngayon na hindi bitter siAngelica dahil nag-promote siya at nag-post sa kanyang Instagram Account ng latest movie ng ex-boyfriend niya (JLC) na katambal si Jennylyn Mercado.

Naniniwala rin si Lloydie na hindi kailangang maging madilim ang buhay ‘pag zero ang lovelife. Mag-focus lang daw na magandang buhay at matuto sa mga karanasan para maging mabuting tao. Hindi rin niya alam kung kailan siya ulit makakatagpo ng bagong mamahalin.

Speaking of Home Sweetie Home, tungkol sa election fever ang episode ngayong Sabado.

Isang araw na lang at eleksyon na. Naisip ni Jayjay (Jayson Gainza) na sa ibang baranggay na lang siya mangampanya dahil kilala na siya sa Baranggay Puruntong. Idea Rin kasi ito ni Romeo (John Lloyd) bilang campaign manager. Pero ‘di sang-ayon si Julie (Toni Gonzaga) at inihambing ang pagiging mag-asawa sa pangangampanya—‘di porke’t kasal na kayo ay di na kayo magliligawan’. Ito ang simula ng ‘di pagkakasundo nina Romeo at Julie sa campaign strategy ni Jayjay. Ayon kay Romeo magpakatotoo si Jayjay, ayon naman kay Julie, kailangang may iharap siyang ibang mukha dahil may traits si Jayjay na nakate-turn off sa mga botante.

Abangan ang mga kaganapan sa Sabado sa Home Sweetie Home sa ABS-CBN 2.

( ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …