Friday , March 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Tanada Ang Bangkay

Direk Vince walang takot ibuyangyang ang pagkalalaki: baka lang kumalat sa TG at madisbargo 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

UMPISA pa lang masa-shock agad tiyak ang manonood ng pelikulang Ang Bangkay hatid ng Philstagers Theater Foundation atisa sa entry ng Sinag Maynila 2026 na pinagbibidahan nina Mercedes Cabral, JohnRey Rivas, Vean Olmedo, Lili Montelibano, at Atty. Vince Tanada.

Mapangahas ang pagsisiwalat ni direk Vince na ibinuyangyang ang pagkalalaki. Wala siyang takot. Hindi isa kundi ilang beses. Hindi rin mabilis kundi matagal-tagal, ilang minuto. Kaya naman tiyak mabubusog ang manonood kung ito ang habol sa panooring Rated-18 ng MTRCB.

Ginagampanan ni Atty Vince ang karakter ni Don Segismundo Corintho, isang embalsamador na nabyudo. Siya ang magbubunyag ng mga nakakikilabot na misteryong bumabalot sa kanilang pamilya.

At dahil nakagigimbal ang ginawa at ipinakita ni Atty Vince natanong ang abogadong direktor kung hindi ba siya nag-aalala sa ginawang pagpapakita ng private part.

“Ginagawa na namin Ito (paghuhubad) sa dula for the past 10 years. Nakaka-ano (alala) lang kasi habambuhay nang nasa pelikula ang ganito. Masakit ‘yung mahusgahan. Sana lang huwag kumalat sa Telegram kasi nakatatakot na kumalat ‘yan, abogado po ako baka-madisbargo ako,” nangingitingmedyo may pag-aalalang tugon ni direk Vince.

Nakagigimbal naman talaga na mapanood ang tagpong iyon lalo sa mga hindi sanay. Kaya hindi kaya maging rason iyon para ma-disbarred siya? Tugon ng abogado,  “Everything, for the love of the arts. 

“We are doing this because we want to serve the art. Kapag ano kasi, ibibigay mo ang lahat para sa sining. Parang wala nang dapat na limitasyon. Buong kaluluwa, buong puso, buong katawan inihandog.

“Pero ang gusto ko lang sabihin na ang ‘Ang Bangkay’ ay isang passion project na hindi namin akalain na magkakaroon ng commercial release dahil ginawa ko lang ito after ng ‘Katips’ (Katips: The Moviena napanood nong 2021, isang historical musical drama film na isinulat at idinirehe rin ni Atty Vince). 

Alam n’yo naman na kumita ang ‘Katips’ kaya sinabi ko sa sarili ko iyong mga dula ko na magaganda i-immortalize ko sa pamamagitan ng sine o pelikula.

“Kaya lang isinumite ito sa ‘Sinag Maynila’ kaya nakapasok. Kaya salamat sa malaking opportunity na ito para maipalabas sa maraming tao. Akala namin hindi na magkakaroon ng ganito, kaya maraming salamat, salamat,” paliwanag pa ni direk Vince.

Maraming tagpo sa pelikula na talaga namang gigimbal hindi lamang ang paghuhubad ni Atty. Vince gayundin ng baguhang si Juan Calma kundi ang tema, ang istorya nito.

Iginiit pa ni Atty Vince na, “Ito po ay work of art, ito po ay sining, sining ng pelikula, at hindi ito paghuhubad ng walang kawawaan o walang saysay.” 

Ipinakita rin sa pelikula ang conflicts na nararanasan ng mga Pinoy. Maraming heavy scenes, trauma, rape, relationship, toxicity na tiyak mahirap para sa tulad nilang artista na mai-release iyon pagkatapos ng shooting.

“Galing ako sa mundo ng teatro. Noong ginawa ko itong pelikula si Mercedes lang ang galing sa pelikula kaya nagulat siya na may rehearsals. At ipina-memorize ang script dahi sanay ang mga artista ngayon na babasahin lang nila ang script at hindi nauunawaan ang buong script. Kaya maraming exercises, Defriefing na ginagawa at internalization scheme at may workshop kaya nai-block ito a week before. 

Sinabi ni Mercedes na na-intimidate siya sa amin dahil kami ay sanay sa blocking at rehearsal kaya sumatutal apat na araw lang ang shooting nito kaya mabilis na mabilis at gumastos lamang kami ng P1-M,” pagbabahagi pa ni Atty. Vince ukol sa kung magkano lamang ang nagastos nila sa paggawa ng Ang Bangkay na nagkami ng 1st prize sa Palanca for Literature nong 2012.

“Hinihimok ko ang lahat ng filmmakers na hindi kailangan nating gumatos ng napakalaki dahil hindi na kasiguraduhan ang maibalik ang ating capital. Kaya sa abot ng ating makakaya na sana ay makagawa pa rin tayo ng maraming sining, maraming pelikula kahit may kaunting budget. Nasa ingenuity lang ninyo iyan.

“Pwede ring magawa iyan ng mga kaibigang filmmaker natin,” pag-anyaya ni Atty. Vince.

Nang hingan ng mensahe si Vince ukol sa pelikula at sa mga nangyayari sa kasalukuyan, sinabi nitong, “There is a necessity for the arts to transcend from being entertaining to becoming transformative. Dapat me, as an artist, as a writer, and as a theater performer, I’ve already gaided entertaining people. I have transcended from being an entertainer to becoming an educator. 

“So I truly believed that we can utilized our arts as a medium not only to educate and to inspired people but more important than that we should be here to transform our society and I guess that is the core purpose of us artist. Ang artista po, ang tunay na artista ng bayan hindi kimi lagi pong nakikisangkot, laging nagmamatyag at kung kinakailangan tatayo at lalaban.”

Tunay na napakatapang ng Ang Bangkay, ito na kaya ang babale sa nakasanayang romcom movies o magpapabalik ng publiko sa mga sinehan?

“Remember during Martial Law, a lot of good movies are made. Andyan ang ‘Karnal,’ ‘Oro Plata, Mata,’ ‘Himala.’Napakarami ng magagandang pelikula. Sa panahon ng paninikil talagang umuusbong ang sining. Talagang kailangang gamitin ang sining. Pero hindi naman, no have the monopoly of intelligence. 

“There are a lot of great filmmakers. I’m just here to serve my art.I don’t have any purpose na ito ang magpapabalik. My God that’s too much for us. We’re are just here to serve our art, we are just here to for many people to see this film. Kung mangyayari, siguro ito ay ang pagsasanib ng maraming tagagawa ng peliikula hindi lamang ng inyong lingkod. Napakaraming magagaling. Wala lamang resources.”

Naibahagi rin ni Atty. Vince ang dahilan kung bakit siya na mismo ang nagpo-prodyus ng kanyang mga pelikula.

“When I auditioned in various directors, I’ve been auditioning all my life nobody wanted me because I’m a lawyer by profession and I’m too strong for them. I just work hard and what I used is my hard earned money being a lawyer and that is the reason I’ve produced myself. Kasi walang magpo-produce para sa akin, walang naniwala sa talento ko kaya ako na lang naniwala sa talento, kaya ipinrodyus ko sarili ko.

“In the Philippines they called me Narcissistic. They call me mayabang or self centered or egoistic. In Hollywood we have Clint Eastwood, Mel Gibson and we called them genius. 

But here I don’t want to call myself genius, I just want to call myself hardworking. Because I work hard not only for my craft but for Philippine cinema and for theater and I’ve been doing this all my life and I have my legal profession at the back seat. And I know that these might not be much but this is what I have given my life too.”

Kaya kung gusto ninyo ng pelikulang palaban, kakaiba, panoorin ang  Ang Bangkay na hanggang March 29 pa palabas sa mga sinehan sa Gateway, Eastwood, Uptown Cinema sa BGC, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robb Guinto Yasser Mata

Yasser at Robb mahusay sa Desperada  

MATABILni John Fontanilla KAKAIBANG Yasser Marta at Robb Guinto ang mapapanood sa pelikulang Desperada ng LDG Productions ng kaibigan naming si Lito De …

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

Joseph Marco Rhen Escano My Boyfriend Is A Mafia Boss

Rhen ibinuking si Joseph, ilang eksena ginagawang makatotohanan 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang kiligin ng bidang aktres ng Viva One series na My Husband is a …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …