Thursday , March 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo
NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine noong 20 Marso 2026 sa Don Bosco Tondo Library, kung saan unang ipinakita ang natatanging direksiyon at estilo ng produksiyon ngayong taon. (Mga retrato mula sa Don Bosco Tondo)

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine noong 20 Marso 2026 sa Don Bosco Tondo Library, kung saan unang ipinakita ang natatanging direksiyon at estilo ng produksiyon ngayong taon. (Mga retrato mula sa Don Bosco Tondo)

MULING binubuhay ng komunidad ng Don Bosco Tondo ang makulay at makahulugang tradisyon tuwing Kuwaresma sa kanilang pagtatanghal ng “Senakulo 2026: Ang Sanhedrin” ngayong Semana Santa.

Bago ang opisyal na pagpapalabas, nagkaroon ng paunang-silip noong 20 Marso 2026 sa Don Bosco Tondo Library, kung saan unang ipinakita ang natatanging direksiyon at estilo ng produksiyon ngayong taon.

Sa temang nakasentro sa Sanhedrin—ang konsehong may mahalagang papel sa paghahatol kay Hesus—iba ang haplit ng senakulo ngayong taon. Sa halip na isang palabas na nakatuon sa aliw, ito ay idinisenyo bilang isang karanasan. Gumamit ang produksiyon nang mas tahimik at cinematic na mga eksena upang bigyan ng espasyo ang mga manonood na magnilay at makipag-ugnayan sa kuwento sa mas personal na paraan, maituturing ito na isang anyo ng visio divina.

Hindi rin inilalarawan ang Sanhedrin bilang tipikal na kontrabida. Sa halip, ipinapakita sila bilang bahagi ng isang sistemang kapos o may kakulangan — isang guwang o bitak na umiiral sa loob ng bawat isa sa atin. Sa ganitong pananaw, nagiging mas malapit sa realidad ng tao ang kuwento, dahil nakikita natin ang ating sariling kahinaan at hamon sa bawat tauhan.

Imbes umasa sa engrandeng produksiyon, nakatuon ang Senakulo 2026 sa mga payak ngunit makabuluhang detalye tulad ng alikabok, dugo, at liwanag—mga elementong karaniwan ngunit nagdadala ng mas malalim na kahulugan kapag pinagnilayan.

Ang Senakulo ay idinirek ni Dondie Bernardino at isinulat nina Betty del Castillo, Edward Muli, at Lea Dasigan. Ang buong produksiyon ay naisakatuparan sa tulong ng mga boluntaryong production staff—patunay nang sama-samang dedikasyon ng komunidad sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa pamamagitan ng sining.

Pinangunahan ang production staff ng mga kabataan mula sa Don Bosco, Tondo at may espesyal na partispasyon nina John Philip Koch, isang freelance actor, bilang Jesus; at Prof. Xiao Chua, isang publilc historian, bilang si Haring Herodes.

Bahagi ng taunang tradisyon ng St. John Bosco Parish – Tondo ang Senakulo, na patuloy na nagsisilbing paanyaya sa mga mananampalataya na muling balikan at pagnilayan ang mga huling araw ni Kristo sa mas makabuluhang paraan.

Saan Mapapanood ang Senakulo 2026: Ang Sanhedrin?

Mapapanood ang palabas sa iba’t ibang plataporma upang mas marami ang maabot:

Online Streaming

• Facebook Pages kabilang ang Manila Cathedral, Quiapo Church, DZMM Teleradyo, at iba pa

🗓 April 3, 2026 | 🕗 8:00 PM

• YouTube Live sa Senakulo ng Tondo Channel

🗓 April 3, 2026 | 🕗 8:00 PM

• Streaming App: Viva One

🗓 Available buong Semana Santa

*Public Venue Screening*

📍 St. John Bosco Parish – Tondo

• Auditorium: March 29–31 | 7:30 PM

• Gymnasium: March 25, April 1, 3 at 5 | 7:30 PM

📍 Luneta Park Open-Air Auditorium

• April 2 | 6:00 PM (Updated schedule)

Sa patuloy na pagyakap sa makabagong paraan ng pagpapalaganap, pinatutunayan ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrin na nananatiling buhay ang tradisyon habang umaabot sa mas malawak na manonood—online man o personal.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa makabuluhang pagtatanghal na ito bilang paghahanda sa Semana Santa—isang paalala ng sakripisyo, pag-ibig, at pananampalataya na patuloy na nagbibigay-liwanag sa bawat isa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …

Kusinerang Bulag Iloilo

Jean Garcia bida sa pelikulang kinunan sa Iloilo Public Market 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SENTRO ng atensyon ngayon ang Iloilo Terminal Public Market matapos mapili …

Robb Guinto Yasser Mata Desperada

Sinag Maynila entry na Desperada mukha ng mga taong nasa krisis 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG hindi lamang ang pagkakalatag, pagkakalahad, at mensahe ng pelikulang Desperada bagkus …