Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales Elizabeth Oropesa Graduation Day

Jeric at Elizabeth tampok sa pelikulang “Graduation Day” showing na sa March 18

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATINDING drama na aantig at kukurot sa puso ng moviegoers ang pelikulang “Graduation Day” tampom sina Jeric Gonzales at Elizabeth Oropesa.

Kuwento ito ng isang pamilya, lalo na ang maglolang sina Jeric at Elizabeth, na kahit kaliwa’t kanan ang mga mabibigat na pagsubok at dagok ng buhay ay hindi bumibitaw sa kanilang pamilya.

Si Simon (Jeric) ay mabait, matalino, at masipag at tanging pag-asa ng kanilang pamilya. Sa likod ng kahirapan ay nagtapos siya bilang Magna Cum Laude. Pero tila walang katapusan ang mga trahedya sa kanilang pamilya.

Tiniyak ni Jeric na may mapupulot na aral sa kanilang pelikula ang moviegoers. “I’m sure na marami kayong matututuhan dito, dahil it’s a very good movie.”

Pahayag pa ng aktor, “It was so tragic, si Simon, siya ‘yung hope ng family niya… After all the struggles, after all the journey at ‘yung nangyari sa family niya ay nakalulungkot talaga.

“Pero itong pelikula, it’s for us to realize na itong buhay na ito, hindi natin hawak, it’s up to God. So, whatever happens, whatever we achieve in life or kung gaano ka kasuwerte o kamalas, na hindi ka naging happy or naging successful, we’ll never know.

“But ang pinaka-silver lining na lang nito for me is after that ay may new beginnings naman. May hope pa rin para kay lola.”

Ang pelikulang ito na isang family-drama ay mula sa direksiyon at panulat ni Dante Balboa. Ito ay hatid ng BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria, line-producer dito si Dennis Evangelista.

Tampok din sa Graduation Day sina Daniela Carolino, Mygz Molino, Aidan Veneracion, Simon Ibarra, Angelie Sanoy, Rico Barrera, Krisha Francisco, Daniela Carolino, Panteen Palanca, at Rodel Fernando.

Mapapanood ang Graduation Day sa March 18, in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …