Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso actress na si Angelika Santiago nang makahuntahan namin siya.

Ayon sa dalaga na naging Sparkle artist last year, mas naging active siya ngayon sa social media.

Kuwento ni Angelika, “Ayun po, bukod sa show po, lagi rin po akong nagla-live ngayon sa tiktok. Super-active po recently sa mga socmed ko po, since super-lapit na rin po ng show, so busy din po sa pagpo-promote nito.

“And happy naman po ako sa mga ginagawa ko po recently din, kaya ine-enjoy ko lang po.”

Anong wish niyang pagkaabalahan ngayong 2026? “Ang wish ko po talaga ngayong 2026, siyempre po maging consistent sa ginagawa ko at ma-enjoy lang po talaga ‘yung work ko. Mga simple wishes lang po this 2026,” nakangiting pakli niya.

Nabanggit din ng aktres na-miss niya ang paggawa ng teleserye.

Aniya, “Yes po, na-miss ko rin po. Actually, medyo nanibago po ako kasi from drama na serye to medyo chill po siya.”

Sakto nga ang pagdating ng bagong TV series nila na “Born to Shine.” Isa siya sa cast ng naturang serye na tinatampukan nina Zephanie Dimaranan, Michael Sager, Manilyn Reyes, Vina Morales, Smokey Manaloto, Tina Paner, at si Roselle Nava, Naya Ambi, Mitzi Josh, Olive May, Gaea Misch, Miggs Cuaderno, at iba pa.

Ipinahayag ni Angelika na ibang klaseng saya ang naramdaman niya nang maging bahagi ng TV series na ito.

“Yes po, super-happy ako since eto po ‘yung first serye ko after signing with GMA po.”

Nabanggit din ng dalaga ang role niya rito, “I’m Rami Chavez po. Bale. part po ako rito ng Girl Group called Nixi sa Born to Shine.”

Ano ang dapat expect sa kanya rito? “Well, super nakare-relate po kasi ako sa serye na ito since marami rin po akong auditions na ginawa before. Lalo na po sa character ni Zephanie.

“Super worth it po ito panoorin. Siyempre ang sayaw and kanta duo, haha. And ‘yung character po na medyo similiar to Jewel sa Prima Donnas, but iba in a way po siya. Siguro similar lang na pareho po silang mabait.”

Mula sa pamamahala ni Direk Rod Marmol, magsisimula nang umere ang Born to Shine sa March 23. Isa itong drama musical series na mapapanood sa GMA Network’s Afternoon Prime line up.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Geleen Eugenio Dance Forever D4E Concert

Geleen Eugenio excited sa Dance Forever D4E! Concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED si Ms. Geleen Eugenio sa muling pagsasama-sama ng mga OG dancer noong dekada …

Caprice Cayetano Heath Jornales

Caprice napogian, kinilig kay Andres

MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Coco sa Sigabo: right project para sa pagsasama namin ni Juls

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “SURPRISE muna, ganoon naman ‘di ba, dahan-dahan,” sagot ni Coco Martin sa tanong kung …