MATABIL
ni John Fontanilla
PURING-PURI ng actor and commercial model na si Ralph Dela Paz ang Kapuso Prime Actor na si Alden Richards na nakasama sa isang commercial.
Kuwento ni Ralph, “Napakabait ni Alden, kahit na sikat na sikat siya. Hindi siya suplado.
“Nakabibilib siya, kasi kahit sikat siya napaka-humble pa rin niya at nakikipag- kuwentuhan sa amin habang hindi pa kami kinukunan.
“Kaya siguro mas lalo siyang sumisikat dahil sa kanyang magandang attitude.
“Sana lahat ng mga artistang sikat katulad ni Alden, mabait at magaling makisama.”
Bukod nga sa commercial na ginawa nila ay dream din ni Ralph na makasama at makatrabaho si Alden sa pelikula o serye.
“Sana makatrabaho ko rin siya in the future sa pelikula o serye.
“Isa kasi siya sa mga aktor na hinahangaan ko, lalo na ngayon na nakasama ko na siya sa commercial at nalaman ko kung gaano siya kabait, kaya mas gusto ko siyang makatrabaho ulit.”
Bukod sa sandamakmak na commercial na ginagawa ni Ralph ay may mga pelikula rin itong ginagawa.
Dagdag pa riyan ang kanyang napaka-successful business na Siomura na maraming branches sa buong Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com