Wednesday , March 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla

Kylie sakaling tumakbong VP si Robin: aalis na ‘ko ng Pilipinas

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHANG hindi sang-ayon si Kylie Padilla sakaling tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno ang kanyang amang si Robin Padilla.

Nausisa kasi ang aktres tungkol sa posibleng pagtakbo ng kanyang ama sa susunod na national elections sa naganap niyang press conference, sa The Lotto Winners.

Aalis na ‘ko ng Pilipinas,” natatawang sambit ni Kylie.

Nang matanong naman si Kylie kung suportado ba niya ang political career ng ama ay tila ayaw nitong magbigay komento.

Aalis na po ako ng Pilipinas… iyon lang po ang comment ko,” aniya pa.

Pagpapatuloy ni Kylie, “Hindi, ano lang naman, I trust in my father’s judgment, ‘yon lang.”

Nauna nang sinabi ni Sen. Robin na wala siyang planong tumakbo sa 2028 national elections ngunit aniya, kung sakaling iutos ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, na tumakbo siya, ‘yun ang magpapabago ng kanyang desisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Yuki Sonoda at Kelley Day, nakaka-relate sa filmfest entry na “All About Her” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga Pinoy na mahilig sa beauty contest ay dapat …

Jeric Gonzales Elizabeth Oropesa Graduation Day

Jeric at Elizabeth tampok sa pelikulang “Graduation Day” showing na sa March 18

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATINDING drama na aantig at kukurot sa puso ng moviegoers …

Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED Rni Rommel Gonzales PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod …

Ervic Vijandre Dingdong Dantes

Dingdong at Ervic paghaharap, iniintriga

I-FLEXni Jun Nardo MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician …

Elias TV Sang-gre

Elias TV mapapanood sa Sang-gre 

I-FLEXni Jun Nardo PASOK sa GMA fantaserye na Sang-gre ang singer na si Elias TV. Ipinakita na ang teaser ng pagiging …