Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Bela Padilla Jerry Lopez Sineneng Ricky Lee

Bela ibinuking Carlo takot sa matataas na lugar

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA March 11, 2026, may isa na namang pelikulang ihahandog ang Viva sa madla.

Muling pagsasama nang sumabog ang kemistri sa Meet Me in St. Gallen na sina Bela Padilla at  Carlo Aquino. This time, si Jerry Lopez Sineneng naman ang nakaranas ng magandang pakikipag-trabaho sa kanila.

At sinabi nga nito sa grand mediacon na both were take 1 actors.

May kinuha siyang coach for the both actors, hindi para turuang umarte kundi para lang dagdagan pa ang ilang kailangan sa eksena.

Tungkol sa Alzheimer’s ang kwento ng karakter sa pelikula. Mula sa paningin ng isang nagmamahal.

A Special Memory. Mga nakakalimutan. Naaalala. Nabubura. Nawawala.

Natanong sila sa mga kantang magpapaalala sa kanila ng maraming bagay sakaling mawala sa tamang ulirat at makalimot na. 

Born Free. Yellow Submarine. Iris. La Traviata. Bridge Over Troubled Water. Pati Bakya Mo Neneng. Obviously.

Mahirap makalimutan. Ang takot ni Carlo sa matataas na lugar. Ang panonood ng sine ni Bela kasama ang kanyang lolo.

Maganda nga talaga ang kinakabasan ng pagsasama ng dalawang taong maganda ang mga ganap sa buhay. 

Nagkakaintindihan. 

May pamilya na si Carlo. Na binago sa pagdating ng supling na si Mithi at maybahay.

Marami naman na rin daw siyang kinalimutan na. Si Bela unti-unti nasasabi na, na may nagmamahal na sa kanya pero ‘di pa maibulalas. Kung sino!

May Japanese at Korean versions na pinaghugutan ang pelikula. Pero nagawa itong Pinoy na Pinoy dahil sa elemento ng pamilya.

Ginusto ni Bela na makuha ang proyekto. Alam niyang maganda. Matino. At makakasamang muli si Carlo.

Kaya naman ang dasal nila eh, tangkilikin ito ng mga manonood. Alam nila at mulat na sa pagbabago ng panahon sa mabilis na pag-usad ng lahat. Pero naniniwala silang hindi sila mapapahiya sa pagsisiwalat ng istoryang pwedeng mangyari sa lahat.

Hindi tipikal ang istorya nina Sandra at Dindo. 

Mapapa-isip ka. May gugustuhin ka bang kalimutan o burahin kung sakaling dumating ang ganoong sitwasyon sa ‘yo.

Mas gusto ng mga bida na ang magagandang mga alaala ang manatili at bumalik sa isip nila.

What the mind forgets… the heart remembers.

Ito ‘yung Pure Soul ng Korea. Pero A Special Memory ng Pinoy.

Lalo pang mai-in love ang manonood lalo na at ang Concert King na si Martin Nievera ang magpapa-ingay sa theme song nito na una nating narinig kay Iwi Laurel

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …