Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Navarro Alvin Aragon Sexbomb Izzy Trazona Andrei Sofia Trazona

Alvin nagseselos daw sa tatay ni Sophia

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHIT si Dingdong Dantes ay balitang nag-react din sa eskandalosong mga statement ni Alvin Aragon, ang asawa ni dating Sexbomb Izzy Trazona.

Bagamat walang mga salita sa kanyang post bilang reaksiyon sa pagkukompara ni Alvin kina Aljur Abrenica at Paolo Contis, napansin ng netizen ang nasabing post ng kilalang aktor-host.

Nauna na nga riyan ang mga pahayag nina Rica Peralejo, Sue Ramirez, Mikoy Morales, at IC Mendoza at iba pang vloggers/socmed influencers sa tila “pabibo” at super self-righteous remarks ng dating Starstruck contestant.

Ngayon nga’y naglalabasan din ang mga post ni Michael Navarro, ang biological father ni Andrei aka Sofia Trazona, na apparently pala ay isa sa mga choreographer ng Sexbomb reunion concerts. 

Hayun tuloy, naglabasan ang mga haka-haka na kaya umano hindi pinayagan ni Alvin si Izzy na maka-join sa reunion ng Sexbomb ay dahil malamang na insecure pa ito sa dating karelasyon ng asawa niya. 

At dahil bongga ang suporta nito sa transman na anak, sinasabing ‘sampal’ kay Alvin ang bigo nitong pagpapa-alala sa stepson na bawal sa langit ang ‘homosexual.’ 

Nakalolokang mga pangyayari, pero ang lahat ng iyan ay nang dahil lang sa tinatamasang bagong kasikatan ng Sexbomb na may mga naka-line up na ngang shows abroad soon.

Sino nga kaya ang higit na kumikita sa mga usaping ito ha, mga ka-Hataw?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …