Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Pro-Sara senators ‘pipilayan’ ng Malacañang

SIPAT
ni Mat Vicencio

NGAYONG nagdeklara na si Vice President Sara Duterte na kakandidato siya sa 2028 elections bilang pangulo, asahang hindi makapoporma ang mga pro-Sara senators sa sandaling maihain ang impeachment complaint sa Senado.

Alam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang magiging ganting-hakbang na gagawin sa kanya ni Sara kung mananalo sa 2028, kung kaya’t kailangang gumawa ng aksiyon ang pangulo para makuha ang ‘guilty verdict’ laban sa bise presidente.

Kaya nga, hindi na kataka-taka ang galawan ng dalawang alipores ni Bongbong na sina Senate President Tito Sotto at Senate Pro Tempore Ping Lacson kung papaano ‘barakuhin’ ang ilang senador na kilalang tatayo laban sa impeachment ni Sara

Gamit na gamit ni Ping ang Senate Blue Ribbon Committee at mapapansin sa gitna ng mainit na usaping impeachment complaint laban kay Sara kaagad namang lumabas ang draft committee report laban kina Senator Chiz Escudero, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Joel Villanueva.

Kasalukuyang nakaburo sa Department of Justice at Ombudsman ang reklamo laban sa tatlong senador at wala pang rekomendasyon para sampahan ng kaso sa korte. At totoo bang hearsay testimony o haka-haka lamang ang basehan ng rekomendasyon ng Blue Ribbon Committee?

Sina Senator Bong Go at Senator Bato Dela Rosa naman ay malamang na matulad kay dating Pangulong Digong Duterte matapos sabihin ni Usec. Claire Castro na obligado ang pamahalaan na maipatupad ang warrant of arrest sakaling ang ICC ay mag-utos ng pag-aresto sa dalawang senador.

Kung tutuusin, lima ang target na masisibak bilang senator-judge sa impeachment case laban kay Sara at sinasabing ginagapang pa ng Palasyo ang ilang senador para masiguro na ‘swak’ ang bise presidente sa kaso.

Sa ngayon, bilang Senate president, si Sotto ang may hawak ng ‘timon’ ng Senado at titiyakin nitong hindi magagaya kay Chiz ang nangyari sa unang impeachment laban kay Sara na naibalik ang complaint sa Kamara at kalaunan ay ibinasura ng Korte Suprema.

At sa pangalawang pagkakataon, kailangang tuluyang ‘pilayan’ ang bise presidente ng kasalukuyang gobyerno dahil kung magtatagumpay at magiging pangulo si Sara, tiyak sa kulungan din ang bagsak ni Bongbong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …