Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Puregold Pusong Panalo Program

Mas makabuluhang layunin para sa retailtainment ng Puregold: popondohan mga ‘naiiwang’ paaralan

SA paghahangad na pasiglahin ang mga last mile o napag-iiwanang paaralan sa Pilipinas, handog ng Puregold Price Club Inc. President, Vincent Co ang buong kita o streaming revenue ng Puregold Channel sa Pusong Panalo Program.

Isang personal na inisyatibo ni Vincent mismo, mithiin ng Pusong Panalo Program na magbigay-tulong sa mga hindi naaabot na pampublikong paaralan sa pamamagitan ng mga interbensyon na tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan at sistematikong puwang: solar panel para sa mga paaralan na may limitadong akses sa koryente; pangkabuhayan na package para sa mga guro; groseri para sa mga mag-aaral; pagpapaayos ng mga klasrum; at iba pang kagamitang panuro. Layunin ng programa na umabot sa 10,000 mag-aaral sa 30 pampublikong paaralan sa palibot ng arkipelago bago ang 2028.

Ang Puregold Channel sa YouTube ay nagsisilbing lulan ng retailtainment na estratehiya ng kompanya, isang ecosystem ng content–mula libreng digital na serye, kolaborasyong pang-musika kalahok ang mga nangungunang OPM artist, at orihinal na pagkukuwentong Filipino sa pamamagitan ng taunang Puregold CinePanalo Film Festival. Lumagpas na sa 300,000 na subscriber ang channel, at natamo nito ang Silver Play Button ng YouTube. Naitakda na ng channel ang sarili bilang isa sa mga pinakamayabong na brand-owned media platform sa industriyang retail sa bansa.

Subalit ang pinakamahalagang panukat ay hindi ang pagdami ng subscriber ng Puregold Channel, kung hindi ang pagbibigay-daan ng mga estratehiyang retailtainment sa paglalaan ng rekurso sa mahahalagang adbokasiya ng kompanya. Bawat panonood sa channel ay nagiging kita, at ang bawat piso ay nailalaan sa pampublikong edukasyon. Sa modelong ito, hindi lamang validation ang panonood ng mga netizen, mekanismo na ito para sa pagpopondo. Lahat ng ito tungo sa serbisyo.

Para kay Vincent, ang pagsasanib ng paglago ng negosyo at panlipunang pamumuhunan ay hindi lamang isang naratibong pangkomunikasyon kundi isang mandato ng pamumuno. Sa kontekstong ito, hindi lamang kasangkapan ang retailtainment para sa paglago, kundi isang paraan upang mapakilos ang kapital tungo sa mga resultang tumatagal lampas sa bawat quarterly performance.

Sa ilalim ng pamumuno ni Vincent, may panlipunang epekto ang Puregold na hindi lamang maituturing na bunga ng tagumpay, kundi isa sa pinakamalinaw na sukatan nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …