Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SM SUSTEX Solar Panels
SM Seaside City Cebu solar panels are part of SM’s sustainable innovations that reflect how smart energy solutions can create lasting impact for both business and the environment.

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng isang politiko sa Batangas ang kabiguan ng bansa para umusbong bilang isang regional data center hub.

Ayon kay Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, nabigo ang Solar Philippines na pag-aari ng kompanyang itinatag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at bigo rin na tuparin ang halos 12 gigawatts na ipinangako nitong renewable energy capacity mula sa power projects na nakuha niya.

Dahil sa kabiguan ng kompanya na tuparin ang pangako sa Department of Energy (DOE), sinabi ni Gustilo na nararamdaman na ng sambayanang Filipino ang epekto dahil sa nawalang mga oportunidad sa ekonomiya at trabaho. Dahil dito, humaharap ngayon ang Solar Philippines sa bilyon-bilyong pisong multa resulta ng mga kontratang winakasan.

“This was not just an energy project failure. This was a lost national opportunity. The Philippines failed to build data centers, AI infrastructure, and a strong digital economy because electricity that was promised was never delivered,” wika ni Gustilo.

Iginiit ni Gustilo na nakasuporta sana ang hindi natupad na 12 gigawatts sa mahigit isang daang hyperscale data centers at nakaakit ng higit USD 100 bilyong potensiyal na dayuhang pamumuhunan.

Dahil sa kabiguang ito, dinala ng international technology firm ang kanilang operasyon sa mga karatig-bansa kung saan ang mga pangako sa suplay ng koryente ay aktuwal na natupad.

“Data center investors don’t listen to projections or press releases. They look at delivered power. When projects of this scale fail, investors don’t wait. They leave—and they may never come back,” wika pa ni Gustilo.

Labis na nakasira ang hindi paghahatid ng ipinangakong power capacity sa hangarin ng bansa na maging host ng cloud computing at artificial intelligence services.

“Non-performance at this scale cost the country industries, jobs, and digital sovereignty. We lost a golden opportunity to compete at the ASEAN level—not because of a lack of vision, but because a company failed to deliver the contracts it won,” ani Gustilo.

Nauna nang kinompirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na iniimbestigahan ng gobyerno si Leviste kaugnay ng umano’y pagbebenta ng mega-franchise na ipinagkaloob sa Solar Philippines nang walang kinakailangang pag-aproba ng Kongreso. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …