IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye ng mga Sari-Sari Stories, sa pinakabago nitong video na nagtatampok ng espesyal na cameo mula kay Jhoanna ng BINI.
Ang The Witness ay isang maigsing pelikula ng kuwentong pag-ibig, coming of age, at ang pagyabong ng pagmamahal sa pagdaan ng mga taon, na hinubog ng pagmamahal at pananatili-na natunghayan ng tahimik na presensIya ng may-ari ng sari-sari store.

Dagdag sa ganda at koneksiyon sa naratibo ang cameo ni Jhoanna, at binibigyang-diin nito ang mensahe ng pelikula: pasasalamat sa mga may-ari ng maliliit na negosyo sa bansa. Sinang-ayunan ni Jhoanna ang gampanin ng mga sari-sari store sa araw-araw nating pamumuhay,
“Importante na hindi mawala ang sari-sari store. Bukod sa pagiging very Pinoy, ito pa rin ang pinaka-accessible sa maraming komunidad. Iba pa rin ‘yung may mapupuntahan kang malapit sa ‘yo,” ani Bini Jhoanna.

Sinusundan ng pinakabagong Sari-Sari Story ang umuusbong na pag-iibigan ng dalawang magkababata, at ang pagyabang ng munting pagmamahal sa pagdaan ng mga taon tungo sa isang tunay at tumatagal na relasyon.
Ipinakikita ng video ang ligaya at lungkot ng kanilang samahan, mula sa perspektiba ng may-ari ng sari-sari store na nakita ang lahat.

Kahawig ng pananaw ni Jhoanna ang damdamin ni Puregold senior marketing manager Ivy Hayaga-Piedad, “Lagi-lagi, kakampi ang Puregold ang mga maliliit na negosyante sa bansa. Sa pamamagitan ng Sari-Sari Stories, patuloy na naiaangat ang gampanin ng mga may-ari ng sari-sari store sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Dahil sa akses sa mga pangangailangan, pinagtatagpo din ng mga tindahang ito ang mga tao sa komunidad.”
Ipinagpapatuloy ng The Witness ang mahuhusay na kuwento mula sa Sari-Sari Stories, gaya ng Waysna itinampok si Stell ng SB19, at The Sign, na isinama naman si Skusta Clee.

Sa kabuuan, nagsimula ng mga usapan ang mga serye, at nakaramdam ng koneksiyon sa mga kuwento ang mga netizen, Aling Puring members, at tagasunod ng Puregold-
-patunay lamang ng mahalagang parte ng mga sari-sari store sa araw-araw na buhay ng mga Filipino.
Habang nagpapatuloy ang serye, lalo pang nahihikayat ang mga manonood na abangan ang susunod na kwento, isang repleksiyon ng integrasyon ng mga sari-sari store sa buhay ng mga tao at sa mga pinagsisilbihan nitong komunidad.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com