MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre.
Anang actor, isa si Nadine sa mga artistang gusto niyang makatrabaho, kaya naman sobrang saya niya at excited na at last ay makakatrabaho niya ito ngayong 2026.
Dagdag pa nga ni Alden, nakasama na niya si Nadine noong maging brand ambassador sila ng isang brand ng cellphone.
At ngayong taon, magkakasama sina Alden at Nadine sa Viu series na Love, Siargao na tatakbo ng 26 episode at mapapanood sa second quarter ng taon.
Kasama nila sa seryeng ito ang Korean actor na si Choi Bo-min na dating miyembro ng all male Korean group na Golden Child.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com