DALAWAMPUNG entries ang magtutunggali sa grand finals ng kauna-unahang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby matapos magtala ng kahanga-hangang panalo sa elimination at semi-final rounds.
Ang inaabangang 4-cock grand finals ay gaganapin sa Linggo, Pebrero 1, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Kabilang sa mga pangunahing manlalaban sa 4-cock grand finals sina Jojo Bacar Ebros/JC Labaco/Daniel Broker at Jonarie Fortaleza/Robert Santiago, na kapwa may limang panalo at walang talo.
Kasama rin sa grand finals si Amo Tose, na nagtala ng apat na panalo at isang tabla sa pagtatapos ng semi-final round.
Ang iba pang mga top fighter na pasok sa grand finals ay sina Don Guam/Nad Mendoza, Allan Villegas/Obet Bello, Haider G. Almacha/Reynante Vista/JGAT, Pep Goitia/Alvin Arañez, Gene Batia/Madlambayan Bros, Michael Mashburn/William Mamba, Atty. Abella/Baldo, Jon Jon Cano, Doc Belle Almojera, Roel Bacomo/R. Adao/C. Ledesma, Rod Advincula/TRB/ATK, JMW/Bruno Dinero, JLA, at Patrick Antonio, na pawang nagtala ng 4-2 rekord sa pagtatapos ng semi-final round.
Samantala, ang mga cocker na nakakuha ng 3.5 puntos, 3 puntos, 2.5 puntos, at 2 puntos ay maglalaban-laban sa pre-finals na gaganapin sa Sabado, Enero 31. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com