Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Eala
UMAASA ang tennis sensation na si Alex Eala na buong lakas siyang susuportahan ng hometown crowd sa Philippine Women’s Open na magsisimula sa Lunes sa Rizal Memorial Tennis Center. (HENRY TALAN VARGAS)

Eala umaasang magsilbing bentahe ang hometown support sa Philippine Women’s Open

MANILA — Bagama’t inaasahan ang mainit na suporta ng hometown crowd, sinabi ng Pinay tennis ace na si Alex Eala na mananatili siyang nakatuon sa pagharap sa torneo nang paisa-isang laban sa kanyang pagdebut sa Philippine Women’s Open na magsisimula bukas sa Rizal Memorial Tennis Center.

“Hinding-hindi ako pumapasok sa isang torneo na iniisip agad na manalo ng titulo. Kahit na dito ito sa bansa, hindi nagbabago ang mindset ko. Laban kada laban lang. Gagawin ko ang lahat para manalo sa unang laban,” pahayag ni Eala sa isang press conference kahapon kaugnay ng WTA 125 tournament.

Bilang No. 2 seed, sisimulan ni Eala—na kasalukuyang nasa career-high world ranking na No. 49—ang kanyang kampanya laban kay Individual Neutral Athlete (INA) Alina Charaeva, na nasa ika-169 na puwesto sa mundo.

Ayon pa kay Eala, na hinirang bilang co-Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association para sa 2025, handa siya sa hamon ng kanyang unang kalaban. “Nakaharap ko na siya noon. Isa siyang mabuting tao at mahusay na manlalaro kaya maghahanda ako sa abot ng aking makakaya,” aniya.

Sa halip na makaramdam ng pressure, sinabi ni Eala na itinuturing niyang bentahe ang paglalaro sa harap ng inaasahang punong lokal na crowd. “Iyan ang espesyal sa paglalaro sa sariling bayan,” ani niya, sabay pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga Pilipinong tennis fans.

Ang Philippine Women’s Open ang kauna-unahang malaking international women’s tennis tournament sa bansa na suportado ng Philippine Sports Commission at unang proyekto ngayong 2026 ng National Sports Tourism Inter-Agency Committee sa pamumuno ni PSC Chairman Patrick “Pato” Gregorio.

“Incredible at surreal ang pakiramdam na makita itong matuloy. Dati, parang napakalayo pa ng pangarap na ito. Ngayon, nangyayari na,” ayon kay Eala.

Hinimok din ni Eala ang publiko na suportahan ang iba pang lokal na kalahok sa main draw, kabilang sina Tennielle Madis, Kaye Ann Emana at Elizabeth Abarquez, na pawang binigyan ng wild card slots.

Sa opening round, haharap si Emana—ang UAAP Season 97 Tennis MVP—kay INA bet Tatiana Prozorova, makakalaban ni Madis ang Thai na si Mananchaya Sawankaew, habang makakatapat ni Abarquez ang Haponesang si Mai Hontama.

Samantala, umaasa ring makapasok sa main draw si Stefi Marithe Aludo matapos talunin si Angeline Alcala, 6-1, 6-0, sa qualifying round. Haharapin niya ngayong araw si Sakura Hosogi ng Japan, ang No. 1 seed ng qualifiers. (PSC ICS/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …