MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng dyowa ngayong 2026 dahil sa sobrang busy nito sa dami ng trabahong gagawin niya ngayong taon.
Pagpasok pa lang ng 2026, sinabi na ni Alden na balak niyang magkaroon ng girlfriend, pero mukhang malabong mangyari lalo’t kauumpisa pa lang ng taon ay sunod-sunod na ang trabahong gagawin.
Inilunsad kamakailan ang kauna-unahang pagtatambal nila Alden at Nadine Lustre, isang series sa VIU, ang Love, Siargao na may 26 episodes.
Bukod pa riyan ang pagho-host nito sa Season 2 ng Stars On The Floor.
Hindi pa kasama ang mga out of town, mall at out of the country shows, shooting, at promotion ng mga ineendosong produkto at mga proyektong gagawin ng kanyang sariling kompanya, ang Myriad Events.
Pero umaasa ang mga solid na tagahanga ni Alden na sana mabigyan ng oras ng actor/host ang kanyang puso para magkaroon na ng lovelife ngayong taon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com