Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Tan Mark Herras

Mike sa pagsasayaw ni Mark sa gay bar: nagtatrabaho siya para sa pamilya niya

RATED R
ni Rommel Gonzales

IPINAGTANGGOL ni Mike Tan ang kaibigang si Mark Herras.

May kinalaman ito sa pagpe-perform ni Mark ng ilang ulit sa Apollo male entertainment bar sa Baclaran, noong January 2025.

Ang Apollo ay isang gay bar.

Magkaibigan sina Mike at Mark at parehong Ultimate Male Survivor ng Starstruck, batch 1 and 2 respectively.

Bilang performer, si Mark Herras nagtatrabaho siya para sa pamilya niya.

“Nagsasayaw talaga ‘yun, as a hip-hop dancer. So, alam ko sa mga gay bar mayroong gine-guest talaga na mga hip-hop dancer. Nagkataon na siya ‘yun.

“Eh naroon lang naman siya para magtrabaho, hindi naman siya andoon para maging macho dancer, eh.

“Entertainer si Mark Herras. First and foremost si Mark Herras bukod sa pagiging artista ay dancer.

“At iyon ‘yung way niya para mag-provide sa pamilya niya.

“May ginawa ba siyang imoral? Wala naman,” seryosong pahayag ni Mike bilang pagtatanggol sa kaibigan.

Mapapanood si Mike sa afternoon drama series ng GMA na House of Lies.

Nasa serye rin sina Kris Bernal, Beauty Gonzalez, Martin del Rosario, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy de Santos, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Mapanood ito sa GMA Afternoon Prime, 3:20 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …