MATABIL
ni John Fontanilla
FOR the first time ay magtatambal sina Alden Richards at Nadine Lustre sa Viu
series na Love, Siargao na ipalalabas sa second quarter ng taon.
Makakasama nina Alden at Nadine ang South Korean actor at former member ng grupong Golden Child na si Choi Bo-min.
Tatakbo ng 26-episode ang series, na gagampanan ni Alden ang character ni Jao at si Kara si Nadine na parehong tinamaan ng sumpa ng Siargao, na isang local myth na nagbabawal sa isang bisita na lisanin ang isla o tamaan ng sumpa na hindi na muling umibig pa at dito na pagtatagpuin ang dalawa.
Ipakikita rin sa seryeng ito ang magagandang tourist destination sa Siargao tulad ng mga breathtaking beaches, masasarap na pagkain atbp..
Ngayon pa lang ay super excited na ang mga tagahanga nina Alden at Nadine sa pagpapalabas ng Love, Siargao.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com