GRABENG kilig ang hatid ng tambalang Potchie Angeles at Shira Tweg sa advocacy film na Breaking The Silence ng Gummy Entertainment Productions na idinirehe ni Errol Ropero.
Hindi nga magkamayaw sa tilian ang mga taong nanood ng premiere night ng Breaking The Silence sa tuwing magkasama at magka-eksena ang dalawa.
Ilang beses na ring nagkasama sa pelikula sina Potchie at Shira at lahat halos ng pelikula nila ay may dalang kilig at kapupulutan ng aral katulad ng bago nilang pelikula na tumatalakay sa bullying na napapanahon.
Kasama nina Shira at Potchie sa pelikula sina Bugoy Cariño, Gray Weber,Francis Saagundo, Ramon Christopher, Pinky Amador, Jeffrey Santos, Rob Sy, Pekto Nacua, Mark Herras, Irish Contreras, Brace Arquiza, Gene Padilla, Patani Daño, Sylvia Manansala, Panteen Palanca, Jerico Balmes, Carl Acosta, Miles Manzano, Shane Carrera, Ryrie Sophia, Zion Cruz, Tokyo Rodriguez, Jared Reyes, Christian Villanueva, Arwen Cruz, Mira Aquino, Erika Palisoc, Chelsea Pergis, Emmanuel Talukder, Achilles Ador, Stanray Clark, Uno Weber, Mavi Weber, Yvo Weber, Mikaela Saldaña, Dirc Manliclic, at Drey Lagrago at may
special appearance si Dr. Lourdes Dimaguila.
Ang nasabing pelikula ay ililibot sa iba’t ibang eskuwelahan sa buong Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com