Friday , January 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean Raval Jeric Raval

Sean gustong makilala bilang action star:  hindi dahil kamukha ko siya

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALA sa cast ng Spring In Prague ang young male star na si Sean Raval pero present siya sa mediacon ng pelikula ng Borracho Films dahil isa siya sa mga talent ng Borrat o Borracho Artists and Talents na kapwa pag-aari ni Atty. Ferdinand Topacio.

Si Sean ay isa sa 18 anak ng action star na si Jeric Raval at younger brother ng female star na si AJ Raval.

Aware si Sean na may mga basher ang ate niya dulot ng paglilihim niyon sa publiko tungkol sa tatlong anak nila ni Aljur Abrenica.

Ano ang nararamdaman niya kapag bina-bash si AJ?

“Siyempre bilang kapatid po. nasasaktan. Pero you know, showbiz po, hindi naman po mawawala ang pagba-bash.

“And kahit hindi naman po sa showbiz, marami rin pong basher.”

Binibigyan ba niya ng payo ang ate niya?

“Hindi ko naman po ina-advise-an kasi I’m super proud na bilang kapatid po ni AJ na, ano po, she’s really tough, she’s really strong.

“And siyempre, she could handle all the issues herself. And so wala naman po akong advice na maibibigay sa kanya.”

Hiningan namin si Sean ng mensahe para sa mga basher ng ate niya.

“Sa mga basher ng ate ko, move on.

“And number two, don’t be judgmental without knowing ‘yung full story po ng tao.”

Samantala, ang pelikulang Spring in Prague ay pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at ng Czech actress na si Sara Sandeva na magkakaroon ng special screening sa Lunes, January 19, sa Gateway Cinema 12, Cubao, Quezon City.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula February 4, 2026, sa direksiyon ni Lester Dimaranan.

Tampok si Sean sa music video ng pelikula.

Malaki ang hawig ni Sean sa amang si Jeric.

“Ah, I get that a lot po.

“Siyempre masaya po ako.

“Pero siyempre, gusto ko rin pong sumikat bilang si Sean Raval, hindi po dahil kamukha raw po ako ng tatay ko.

“Siyempre may mga ganoon pong comment pamba-bash sa akin. Opo, ‘Kamukha nga ni Jeric, ang tanong, ganyan po ba?’ Ganyan, ganyan.

“So, marami pong comparison. So, para sa akin lang po bilang actor, returning actor din po…I want to do my best and gusto ko pong makilala in my own image.”

Napanood na dati si Sean sa Kapamilya series na Since I Found You na pinagbidahan nina Piolo Pascual, JC de Vera, at Arci Muñoz.

Ano ang gusto niyang manahin sa kanyang tatay bilang artista, ang magkaroon din ng 18 na anak o maging action star?

“Action star po kasi I want to be an action star.

“Hindi po dahil action star ‘yung father ko. I want to be an action star kasi ‘yun po talagang passion ko.”

Pang-ilan siya sa 18 magkakapatid?

Sa 18 po? Hindi ko po alam. Ang dami po, eh.”

Sa dami nila nagkaroon na ba sila lahat ng grand reunion?

“Ah, hindi po.

“Nag-reunion naman po kami pero parang by batch po ‘yun, eh.

“Kung sino lang po ang available.”

Magkakakilala ba silang lahat na 18 na magkakapatid?

“Yes po,” sagot niya at sinabing maayos ang pagsuporta sa kanila ng amang si Jeric.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Alden Richards

Alden abala sa kabi-kabilang proyekto

MA at PAni Rommel Placente NAKABALIK na sa Pilipinas si Alden Richards at ang kanyang pamilya after …

Bugoy Carino EJ Laure Scarlet

Bugoy nakaramdam ng pagsisisi noong magkaanak sa murang edad  

MA at PAni Rommel Placente SA edad na 16 ay nagka-baby na si Bugoy Carino mula kay EJ …

Jackie Lou Blanco Ricky Davao

Jackie Lou may paglilinaw kina Aida, Lorna, at Fe sa buhay ni direk Ricky

RATED Rni Rommel Gonzales NILINAW ni Jackie Lou Blanco ang tungkol sa Si Aida, si Lorna, at si …

Leo Consul Ken Chan

Leo Consul iniyakan masamang nangyari sa business nila ni Ken Chan

RATED Rni Rommel Gonzales BUKOD sa pagiging aktor, singer, at dating host ng Eat Bulaga! Indonesia at It’s …

PMPC

Mga bagong opisyales ng PMPC naihalal na

NAIHALAL na ang mga bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards, Inc. sa …