RATED R
ni Rommel Gonzales
ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya ng panibagong kontrata.
“Nag-expire lang last October then ini-renew nila ako.”
Hiningan namin ng reaksiyon si Ronnie sa pag-alis ni Mr. Johnny Manahan o Mr. M sa Sparkle at nasa TV5 na ngayon.
“It’s an unprecedented event… hindi ko inaasahan, ang alam ko GMA siya eh, Sparkle, nagulat na lang ako nag-sign siya sa Kapatid.
“Pero iyon ang kanyang desisyon, kung saan siya masaya and tingin ko naman na-fulfill na niya ‘yung kanyang mission sa Sparkle in a way na nakatulong din siya ng malaki.
“So gusto niya ring i-share siguro ‘yung kanyang skills or kanyang magic, spark, sine-share niya sa mga artista sa channel 5 naman.”
May pakiusap si Ronnie, “Pakisuportahan niyo po ‘yung Ronnie Liang Project Ngiti para sa mga bata na may cleft lip palate.
“And mayroon pong bago ngayon, para rin sa matatandang may katarata.
“Free na rin po, let us know, paooperahan po natin sila, pati na rin ‘yung lente or amin ‘yung lens na ilalagay sa mata, free na rin po.”
Ayon pa kay Ronnie ay naglalaro sa P20M-P30M ang ganoong procedure kung babayaran.
Ginagawa ang konsultasyon at operasyon sa San Fernandino General Hospital sa San Fernando, Pampanga.
“Kahit tagasaan po kayo, let us know po. I-message lang kami sa Facebook na Ronnie Liang Project Ngiti, kukunin ‘yung number at saka ‘yung name then kokontakin namin sila para i-schedule for check-up. Walang age limit.
“Actually mayroon na kaming naoperahan na mas bata.”
Mahigit 100 na ang natulungan nilang may katarata at mahigit namang 500 ang mga may cleft lip palate o bingot.
Saan man sa buong Pilipinas ay tutulungan ni Ronnie.
“Iyon lang, kailangan pumunta sila, itse-check sila, libre rin ‘yun. Wala naman kaming hinihinging certificate of indigency, walang ganoon.”
Bagong kanta ni Ronnie ang revival ng classic Christmas song ni Jose Mari Chan, ang A Perfect Christmas.
“It’s my new Christmas song, available on Spotify, iTunes, digital Apple Music, ang original po nun ay si Sir Idol Jose Mari Chan.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com