Tuesday , December 23 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasser Marta Robb Guinto Louie Ignacio Desperada

Yasser Marta nagpaka-daring

MATABIL
ni John Fontanilla

MAS matapang at mas palaban na sa pagpapa-sexy sa pelikula ang Kapuso actor na si Yasser Marta.

At sa latest movie nga nitong Desperada ay all out daw sa pagpapa-sexy si Yasser.

Sobra! Ipinakita ko na talaga, gusto ko maging fearless actor.

“Matured at daring na Yasser na ang mapapanood.”

May frontal ka ba sa movie? 

Ayokong i-spoil eh, siguro panoorin niyo na lang ‘yung movie.”

Paano ka na convince ni direk Louie Ignacio na magpa-sexy sa movie? 

Actually ang unang nag-message sa akin si sir Dennis (Evangelista). Matagal ko nang gusto gumawa ng daring film, hindi lang nagkakataon.

“Sa ‘Sine Silip’ this year supposedly may gagawin ako, pero ‘di rin natuloy and ‘yung management din medyo nagho-hold back  din sila. Pero napag-uusapan naman po lahat.

“Pero ngayon nagagawa ko na po ‘yung gusto ko talaga, itotodo ko na.

“Pumayag ang management ko, ang Sparkle. It’s a one big step sa career ko.”

Bilib na bilib si Yasser sa kanilang direktor.

Pero rito sa movie, ang galing po ni direk Louie, artist po talaga. Kung paano niya i-shot ‘yung mga frame, ang ganda sobra, it’s a nice movie.

“Kaya salute to direk Louie, sobrang happy po ako, ang ganda ng movie.”

Makakasama ni Yasser sa pelikula sina Robb Guinto, Mhack Morales, Julianne Richards , Jorge Guda, Sue Prado and Mercedes Cabral. Produce ito ng LDG Productions ni Lito de Guzman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Maricar Aragon Me and My Music

“Me and My Music” concert ni Maricar Aragon sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG fund-raising concert ang gaganapin mamayang gabi (Dec. 22) sa …

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …