RATED R
ni Rommel Gonzales
MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival
“Malaking privilege kasi walong pelikula lang ang nakapasok, and alam namin na almost 50 entries ang sumubok.
“So, to be able to be part sa walo na ‘yun, malaking bagay. First producing project ko, for MMFF agad.
“At saka naniniwala ako sa proyekto. Naniniwala ako kung gaano kaganda ‘yung cast, kung gaano ka-star-studded.
“Favorite season ko rin ang Pasko.”
Nagkuwento si Gerald kung ano ang istorya ng Rekonek.
“Tungkol siya sa pagkawala ng internet sa buong Piipinas. Hindi kayo makapagtrabaho lahat, lahat tayo… ipinakikita natin kung ano ang mangyayari ‘pag nangyari ‘yun.”
In a way, makakapagpahinga ang mga tao kapag walang wifi.
Si Gerald ano ang pahinga o pamparelaks niya?
“Medyo umaakyat ako ng bundok para walang signal, para hindi ko makita ang mga isinusulat niyo,” ang natatawang bulalas ni Gerald.
“Ako naman ‘yung tipo na minsan ‘pag umaakyat ako ng bundok, naghahanap ako ng mga lugar na walang signal, may katahimikan.
“And then pagkatapos niyon, ready ka nang magtrabaho uli, bakbakan uli, trabaho uli.”
Speaking of Rekonek, ang sarili niya ang nais ni Gerald na maka-reconnect.
“Ganoon talaga, when you become so busy sa mga gusto mong ma-achieve minsan, kailangan mo ring huminga kahit sandali lang.
“Kailangan mong i-assess ‘yung buhay mo.
“Itong Pasko, itong Holiday Season ang perfect time. Okay, anong nangyari sa taong ito? Saan ako nagkamali? Ano ‘yung tama na ginawa ko, ‘di ba?”
Produced ni Gerald, nasa Rekonek din sina Bela Padilla, Gloria Diaz, Charlie Dizon, Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, Alexa Miro among others.
Sa direksiyon ni Jade Castro, katuwang ni Gerald sa produksiyon ng Rekonek ang Reality MM Studiosat palabas sa mga sinehan ngayong December 25.
Nahingan si Gerald ng opinyon sa patuloy na paglaganap ng pagkalat ng fake news.
“Trabaho niyo ito. Sabi ko nga kanina, may responsibilidad ka na magsabi ka ng totoo.
“Maraming fake news diyan, alam ninyo ‘yan. Maraming naniniwala sa kung ano-ano.
“Paano ‘pag tungkol sa buhay niyo o tungkol sa buhay ng ibang tao, at mas naniniwala ang karamihan? Mahirap ‘yun.
“Kayo may responsibilidad din kayo. Iyong voice ng bawat isa, shield ‘yan for misinformation.
“At kayo, hindi ninyo alam kung gaano kalaki ang responsibilidad niyo.”
Maging siya ay nakaranas na ring ma-fake news.
“Naklulungkot. Noong una matatawa ka minsan sa iba, pero ‘yung marami na ang naniniwala…
“Sabi ko nga sa handler ko sa Star Magic, sa akin kasi tungkol sa love life, tungkol sa ganito.
“Pero what if tungkol sa hanapbuhay ng Filipino? What if life and death situation ‘yan tapos naniniwala ang mga tao? Roon kayo mas matakot.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com