Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlo Mortel

Marlo Mortel balik-acting sa Totoy Bato at What Lies Beneath 

MATABIL
ni John Fontanilla

BALIK-ARTE si Marlo Mortel matapos tumigil pansamantala at tutukan ng 100 % ang singing career.

Ngayong nasa Viva Entertainment na ay muli nitong babalikan ang pag-arte, at dalawa kaagad ang project, ang TV5 serye na Totoy Bato na pinagbibidahan ni Kiko Estrada at ang ABS CBN na White Lies Beneath.

Tsika ni Marlo nang makausap namin sa successful hosting nito sa 41st PMPC Star Awards for Movies, “Honestly speaking na-miss ko ‘yung acting, kasi dumating ako sa time na mas gusto ko munang mag-focus sa first love ko which is singing, 

“Kaya naman I stop for a awhile sa acting and  nag-focus muna sa singing and now nasa Viva Entertainment na ako and they ask me to act again and naisip ko na nagawa ko na naman ‘yung love ko sa singing, nag-record ako ng songs, concert and gigs,

“Then I realize na this time naman try ko ulit tumanggap ng acting projects and right now sabay kong ginagawa ‘yung ‘What Lies Beneath’ and ‘Totoy Bato’ today.

“Happy lang ako na sa pagbabalik ko sa acting, dalawa kaagad ‘yung ginagawa ko.”

Ano ‘yung role na ginagampanan mo sa Totoy Bato at What Lies Beneath?

Ako po si Angelo sa ‘What Lies Beaneath,’ tulad ng ibang characters sa series na ito there’s a mystery behind it and base sa ipinalabas sa tv , so ang suspect may kinalaman ako sa death ni Luisa which is Mutya the center of the story.

“Then first time ko magka-anak sa any series. So I have a family here si Marjo ang asawa ko rito (Marjoy Apostol), asawa ko rin siya before sa isang knowledge channel series so it’s nice to reunite.

Ang masasabi ko lang si Angelo na ginagampanan ko rito sa ‘What Lies Beneath’ is my favorite role that I’ve ever do, kaya ako bumalik sa acting because of this offer. I really like the character kaya here I am balik sa pag-arte.

“So for me, this is the  most hardest and exciting project that I have when it comes to acting.

“Then sa ‘Totoy Bato’ naman nagsisimula pa lang ako mag-taping but played the role of Coby, best friend niyong character  na ginagampanan ni Diego Loyzaga.

“Ako ‘yung magiging political adviser dito ni Diego and at the same time bestfriend niya noong high school and college sa series.

“I don’t if paano magpo-progress ‘yung role ko rito as Coby, tingnan na lang natin sa mga susunod na episodes ng ‘Totoy Bato.’”

Bukod sa Totoy Bato at What Lies Beaneath ay nakatakda rin itong magbida sa isang Wattpad series at pelikula, at handa na rin itong tumanggap ng mga hosting project at gagawa pa rin naman ito at maglalabas ng mga awitin under Viva Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …