Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Vice Ganda Call Me Mother

Nadine natupad pangarap na makatrabaho muli si Vice Ganda 

MATABIL
ni John Fontanilla

“GAME po.”  Sagot ni Nadine Lustre nang nalaman nitong muling makakatrabaho si Vice Ganda.

At kahit hindi pa nito alam kung anong role ang sa movie ay tinanggap kaagad. 

Ayon kay Nadine, “Hindi pa sinasabi sa akin kung ano ang role ko, umokey na agad ako.Ang sabi sa akin, ‘Nak, gusto nila mag-pitch ng role sa iyo kasama mo si Ate Vice.’ Sabi ko, ‘Game po!’ 

” Hindi pa sinabi ‘yung role, so a few days later na nagbigay pa lang ng hint na ‘yung mother ‘yung role, napaisip ako pero mas nanaig sa akin na gusto ko makatrabaho si Ate Vice.” 

At kahit nga may kaba si Nadine na baka ma-typecast sa mother role ay mas nanaig dito ang pagkagusto na makatrabaho si Vice Ganda.

“Mayroon kasi na baka maisip na ma-typecast ako, and actually I don’t think naman. 

“Hindi ko na inisip iyon and sabi ko na lang na ‘game po’ kasi gusto ko talaga maka-work ulit si Ate Vice.

“Hindi ako papayag na hindi ko makakasama ulit si Ate Vice,” giit ni Nadine.

At dahil mother ang role niya sa movie nila ni Vice ay may mga paghahanda siyang ginawa.

“Ang dami kong tinanong na friends ko na I guess ka-edad ko na naging nanay sa maagang edad, to be a mother at that age while still growing.

“Ako kasi 32 na ako and I feel like I’m not done growing up lalo na ‘yung mga 20’s ko na ang dami ko pang nadiskubre sa sarili ko na if feeling ko na katulad nila na magiging nanay na rin ako, I don’t think matututunan ko iyon sa sarili ko.

“’Yung mom ko rin ipinanganak niya ako noong 21 siya so, parang ngayon ini-imagine ko kung ano pinagdaanan niya noong 20’s din siya and hindi talaga madali iyon.

“For her to actually give up a lot for me, sobrang saludo talaga sa moms na tulad niya. 

“Kung tatanungin niyo ako ngayon, hindi ko talaga kaya iyon,” sabi pa ni Nadine.

Kasama nina Nadine at Vice sa Call Me Mother sina Klarisse De Guzman, Mika Salamanca, Brent Manalo, Esnyr Ranollo, River Joseph, at Shuvee Etrata, gayundinsina Chanda Romero, Carmi Martin, Ces Quesada, John “Sweet” Lapus, MC Muah, Iyah Mina, Jennifer Sevilla, Robert Ortega, Tanya Gomez, at Divine Tetay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jeffrey Jeturian Angelica Panganiban Unmarry

Angelica inayawan, kinainisan ni direk Jeffrey 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AYAW nang makatrabaho ni direk Jeffrey Jeturian si Angelica Panganiban. Ito ang saloobin ng …

Paolo Valenciano Rico Blanco

Paolo Valenciano kay Rico Blanco: We’re simply not meant to work again

HUMINGI ng paumanhin si Paolo Valenciano sa kanilang kliyente, ang JBL Sound Fest, Cup of Joe, at sa …

Nijel de Mesa Regine Angeles Lance Raymundo

Direk Nijel may kakaibang horror film

JAMES Macasero ang tunay na pangalan na nakilala sa larangan ng pagpapatawa bilang si Moymoy Palaboy. Gagawa …

A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Mamay kinikilala galing sa public service at filmmaking

HARD TALKni Pilar Mateo MAKULAY ang buhay ng isang Marcos Mamay. Sa politika. Sa pelikula.   …

V Mapa Batch 86 Reunion Christmas party

V Mapa Batch ‘86 Reunion/Christmas party matagumpay!

MATABILni John Fontanilla DINAGSA ang ginanap na reunion/Christmas party ng V Mapa Batch ‘86  sa auditorium ng …