PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan bilang suporta sa 33rd Southeast Asian (SEA) Games na nagsimula kahapon, December 9, sa Thailand.
Bilang dating chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na nangasiwa sa matagumpay na hosting ng 2019 SEA Games, batid ni Cayetano kung gaano kahalaga ang tulong ng gobyerno – kahit behind-the-scenes – para sa bawat atletang kumakatawan sa bansa.
Kaya naman personal niyang sinuportahan ang Alas Pilipinas Team (Men and Women), Philippine Table Tennis Federation, at Beach Volleyball Team sa isang send-off luncheon at fellowship na kanyang pinangunahan sa Lungsod ng Taguig nitong December 5 at 8, 2025.
“If you do it right, now is your time… at kung may isang bagay na hindi namin maaaring kunin mula sa inyo, ito ay ang inyong fighting spirit, ‘yung puso talaga. The whole country is behind you,” mensahe ng senador sa mga atleta, bilang isang sports enthusiast at kasalukuyang Chairman Emeritus ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).
Dagdag pa ni Cayetano, ang kanyang suporta ay hindi lamang para sa tatlong koponan ang kanyang suporta kundi para sa buong Philippine delegation na magdadala ng bandera ng Pilipinas sa Thailand. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com