Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang nakaraang tagumpay sa Asian Youth Para Games na magsisimula sa Miyerkules, Disyembre 10.
Ayon kay Chef de Mission Milette Bonoan, mas mataas ang antas ng kompetisyon ngayon, ngunit kalakasan ng koponan ang kabataan at malaking potensyal ng kanilang mga atleta.
Kabuuang 48 na Pilipinong para-athletes ang kalahok sa siyam na sports, kabilang ang debut ng wheelchair basketball 3×3, na may layuning higitan ang nakaraang ani ng isang ginto, anim na pilak, at dalawang tanso.
Nakatalaga na ang laban kontra Saudi Arabia sa umaga ng Miyerkules, kasunod ang host na UAE makalipas ang ilang oras. Ayon kay Coach Vernon Perea, nakatuon sila sa maayos na pagpapatupad ng laro upang makapasok sa medal rounds. (MCO/HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com