Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde Unmarry

Zanjoe nilinaw ‘di totoong hiwalay kay Ria; Gagawa pa ng baby next year

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI totoo!

Iyan ang sagot ni Zanjoe Marudo sa pang-uusisa kung totoong hiwalay na sila ng misis niyang si Ria Atayde.

Wala na akong reaksiyon sa mga ganyan,” patungkol ni Zanjoe sa mga balitang walang katotohanan.

Napakarami na ng fake news na lumalabas talaga sa YouTube.

“Ang dami nang tumatawag sa akin [na ang iba ay nasa abroad]… ‘Totoo ba, totoo ba?’

“Sabi ko, ‘Bakit ‘yan ang libangan niyo?!’

“Tapos kasi, gusto nilang malaman, kasi para ikukuwento nila sa mga kaibigan nila roon na hindi totoo. Hindi totoo,” ang bulalas ni Zanjoe sa mediacon ng UnMarry ng Quantum Films.

Pero hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko, actually ng buong bansa, na may pinadaraanan ang pamiya ng misis ni Zanjoe, ang mga Atayde, ukol sa imbestigasyon sa mga flood control projects.

Hindi naman lingid sa mga tao na may pinagdaraanan nitong mga nakaraang buwan.

“The best way kasi is parang support lang. Iyon naman ‘yung mga ipinangako namin sa isa’t isa na, ‘through thick and thin, nandito ako para sa iyo.’

“Kumbaga, hindi tayo magdadalawang-isip sa isa’t isa.”

Hindi naman siyempre maiiwasan na masaktan ang buong pamilya sa mga negatibong isyu.

Sa part namin, parang… I don’t think involved naman kaming dalawa

“Pero siyempre, masakit. Masakit na ang mga mahal mo sa buhay ay naaapektuhan.

“Lahat naman ito, lilipas at magkakaroon ng magandang kapalit, at dapat malalaman din naman talaga kung ano ‘yung nangyari,” pahayag pa ni Zanjoe.

Dahil sa mga nangyayari ay lalo raw tumitibay ang relasyon nilang pamilya, lalo na ang pagsasama nila ni Ria.

Actually, we’re okay now. Lahat kami, okay kami. Mas tumibay kami.

“Nakikita namin kung ano ‘yung value, kung hanggang saan namin kayang, kumbaga, kapitan ‘yung isa’t isa.”

Ray of sunshine raw ang anak nila ni Ria na tulong sila nito sa pag-aalaga.

Sobrang sarap,” saad ni Zanjoe.

Ayokong ma-miss ‘yung time na ito na ganitong age siya. Ang bilis, eh. 

“Napansin ko, sobrang bilis.

“Oh my God! Sa susunod na taon, iba pa rin ‘yung experience. Excited ako sa challenges na haharapin namin.

“I think naman, wala nang katapusan ito.”

Napag-uusapan na raw nila ni Ria na sundan ang panganay nila at sana ay babae naman.

“Pinag-uusapan na. Sana! Next year. Sana! Ibe-bless pa rin kami!

“Sana, para may boy and girl.”

Kasama ni Zanjoe sa UnMarry sina Angelica Panganiban, Eugene Domingo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, Nico Antonio at introducing dito ang batang si Zac Sibug, at may special participation si Angel Aquino.

Mula ito sa direktor na si Jeffrey Jeturian at opisyal na entry sa 51st Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …