Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley Dustin Yu

Will Ashley hindi nakikipag-kompitensiya kay Dustin Yu

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI kalaban ang turing ni Will Ashley sa kanyang co-PBB Collab 2.0 na si Dustin Yu.

Ayon kay Will sa presscon ng Bar Boys 2, “Hindi ko po siya nakikita as pinagsasabong kami, eh. Kasi pareho naman po kami ni Dustin na may kanya- kanyang talent, may kanya-kanyang skills.

 “I think kung anuman po iyong na-achieve ko o na-achieve niya, pareho naming sinuportahahan ang isa’t isa.”

Shocked din ito sa biglaang kasikatang tinatamasa ngayonz

Actually, sobrang nakaka-shock pa rin po talaga ‘yung mga pangyayari, kasi sobrang biglaan po eh (kasikatan).

“Nagulat na nga rin po ako na paglabas ko, ‘Wow!’ Ganoon na ‘yung naging takbo ng karera ko.

“But at the same time, kapag binabalikan po naman po ‘yung mga araw at mga taon na ginugol ko para sa pagtupad ko nga ng pangarap ko, masasabi ko naman pong worth it naman talaga siya.

“And nakatutuwa po kasi ‘yung mga pangarap ko lang dati, unti-unti na pong natutupad ngayon,” pahayag ni Will.

Masaya ito sa papuring ibinibigay sa kanya ng kanilang director sa Bar Boys After School, kaugnay sa husay at lalim nitong pagganap sa kanyang role.

Actually, ‘yun nga po ‘yung pinag-usapan namin ni Direk Kip (Oebanda) noong paglabas ko ng bahay.

“Kasi after po ‘yung big night namin, 3  to 4 days, nag-shoot na po agad kami nitong pelikulang ito. 

“Noong nag-workshop po kami, lagi sinasabi sa akin ni Direk Kip na parang lumalim na po iyong range ko.

“Feeling ko rin po kasi, ang tagal ko rin po nakulong doon sa bahay ni Kuya at ang dami ko rin pong mga realization.

“Ang dami ko na-improve sa sarili ko. Ang dami kong toxic traits na nabitawan, na-improve.

“Malaki ang naitulong ng experience roon sa loob ng Bahay ni Kuya.”

Kasamang bibida ni Wll sa Bar Boys 2 sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Therese Malvar, Sassa Gurl, Emilio Daez, Bryce Eusebio, at Ms. Odette Khan. Mapapanood na sa mga sinehan sa MMFF simula sa Disyembre 25, 2025, hatid ng 901 Studios. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …