Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABIL
ni John Fontanilla

NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na kasama sa pelikulang Bar Boys 2 na official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 bilang si Arvin Asuncion.

Tsika  ni Will, “Lahat po kami ang focus po talaga namin ay ang career po namin ngayon. Kasi may kanya-kanya po kaming gustong maabot sa buhay.”

Dagdag pa nito, “Kasi marami namang oras para sa pag-ibig. Itong opportunity na ito hindi po natin malalaman kung kailan matatapos or kung magtatagal po talaga. 

“So, habang mayroon po, focus muna talaga.”

Sa ngayon nga ay single at walang lovelife si Will.

“Mas gusto ko muna mag-focus talaga sa career, marami pa po akong gustong matupad na mga pangarap, katulad ng bahay, gusto ko pong magkaroon ng sariling bahay.

“And right now medyo mahirap magka- lovelife kasi masyadong busy at marami po talaga akong ginagawa.”

Aminado naman ito na sa mata ng netizens ay may kompetensiya na nagaganap sa kanila ni Dustin Yu, pero kay Will wala namang kompetensiya sa kanila.

Ako po I don’t really find it as competition talaga, eh. Ako whenever na binibigyan ako ng trabaho ginagawa ko lang po ang best ko.

“Kumbaga, 100 % lang talaga every time na may character ako na pinu-portray.

“Kumbaga, it’s up to the people na po kung paano nila tatanggapin talaga ‘yun.

“And siyempre, ‘yung trust ng mga director sa akin. ‘Yun po talaga ang pinaka-importante.

“Gusto ko po kasi talaga kapag umaarte ako makaiwan ng lessons. Maiwan ‘yung character, tumatak ‘yung character na pinu-portray ko.”

Sinabi naman ni direk Kip Oebanda, mahusay si Will sa role na ginampanan sa Bar Boys 2.

Makakasama ni Will sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Therese Malvar, Sassa Gurl, Emilio Daez, Bryce Eusebio and Ms. Odette Khan. Produced by 901 Studios. Showing on December 25, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …