MATABIL
ni John Fontanilla
PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B Aquino sa magka-loveteam na sina Rabin Angeles at Angela Muji na bibida sa Philippine Adaptation ng South Korean Movie na A Werewolf Boy na mapapanood sa mga sinehan sa January 14, 2024.
Ayon kay direk Crisanto, “Wala akong naging problema sa shooting namin.
“Walang problema sa set dahil mababait ang mga artista ko. Nakikisama sa lahat.
“At saka ang gagaling nila. Wala akong problema pagdating sa akting nila. Ready sila sa bawat eksena.
“Sina Rabin at Angela game na game sa mahihirap na eksena, walang ka-arte-arte, napakahusay nilang pareho.”
At maging si Candy Pangilinan na kasama sa movie ay umayon kay direk Crisanto na mahusay umarte at mahusay makisama ang dalawang bida at parehong marespetong mga bata.
Makakasama nina Rabin at Angela sa A Werewolf Boy sina Candy Pangilinan, Yayo Aguila, Albie Casino, Jeffrey Hidalgo, Rose Van Ginkel, Annica Co, Simon Ibarra, Onyl Torres & Ms Lorna Tolentino. Directed by Crisanto B. Aquino.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com