PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na droga, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles, 3 Disyembre.
Ayon kay P/Lt. Col. Mark Henry Garcia, hepe ng Antipolo CPS, naganap ang insidente kahapon ng umaga sa Purok 5, Zone 8, Brgy. Cupang, sa nabanggit na lungsod.
Aniya, inalok ng biktima ang suspek na bumili ng shabu ngunit tumanggi ang huli kaya pinagmumura ng hindi pinangalanang biktima.
Sumama ang loob ng suspek kaya sinundan niya ang biktima saka binaril sa ulo habang naglalakad.
Dagdag ni Garcia, walang narekober na ilegal na droga mula sa biktima at wala rin siyang nakatalang mga kaso kaugnay sa ilegal na droga.
Matapos ang pagba-backtrack sa mga kuha ng CCTV, nadakip ang suspek sa ikinasang follow-up operation sa naturang barangay.
Sa beripikasyona, nabatid na may outstanding warrant laban sa suspek para sa kasong robbery.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com