Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jackstone 5

Direk Joel movie mae-enjoy ng beki at tunay na lalaki

RATED R
ni Rommel Gonzales

SINABI mismo ni direk Joel Lamangan na ang bago nilang pelikulang Jackstone 5 ay hindi lamang para sa mga bading kundi puwede rin at magugustuhan ng mga tunay na lalaki.

Siyempre kahit sino mang straight sa lipunang ito, may kaibigang bading.

“Andiyan na nga ang mga bading. Para lalo nilang maintindihan ang bading.

“Para lalo nilang maintindihan kung ano ba itong tinatawag na bading. Anong klaseng hayop ba ito?

“Lalo nilang maintindihan sila kapag napanood nila ito. 

“Mapapalapit ba sila roon sa kanilang kaibigan? Baka maging kaibigan pa nila ‘yung mga bading na kilala nila.

“Ako, marami akong kaibigang lalaki. ‘Pag umuwi ako sa Cavite, puro lalaki ang mga kaibigan ko.

“Nakikipare-pare rin siyempre ako. Alam nila!”

Opisyal pa nga siya ng CAT noong estudyante pa siya sa high school.

Totoong Corps Commander ako noong high school,” bulalas niya.

Lahat ngayon ng dati kong kadete, alam nila kung ano ako.

“Pare-pare pa rin. Wala namang… hindi tinitingnan ang mababa, hindi tinitingnan ang masama.

“Ang mga bakla, mayroon ‘yang kaibigang lalaki. Kaibigan talaga.

“Hindi ‘ ‘yung kaibigan na tsutsugihin, hindi na dyodyowain. Hindi ‘yung ginagawa ni Arnell,” kuwento pa niya tungkol sa karakter ni Arnell Ignacio sa Jackstone 5 na palabas sa mga sinehan simula bukas, December 3.

Bukod kay direk Joel at Arnell, bida rin sa pelikula sina Gardo Versoza, Jim Pebanco, at Eric Quizon,mula sa APEX Creative Production, Inc., with Dennis Evangelista as line producer.

Ayon pa kay direk Joel, maraming eksena  sa pelikula na nag-adlib sila, spontaneous ang marami sa kanilang akting at pag-deliver ng mga dayalog.

Habang nagsu-shoot sila ay ina-adjust ang script para mas mapaganda.

Script in progress po ‘yun!

“Habang nagsu-shoot, ‘pag kailangang baguhin, binabago. Sapagkat wala naman doon ang writer, ako na lang po ang nagbabago.

“Opo. Script in progress, pero isang bayad lang po ‘yun,” saad pa ni direk Joel na artista at direktor ng pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …