Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey Salceda Climate Change

Salceda: “Climate leadership,” dapat batay sa interes ng Pilipinas 

LEGAZPI CITY – Inamuki ni dating Albay 2nd District Congressman at gubernador, Dr. Joey Sarte Salceda, ang mga lider ng Pilipinas na tugunan ng mabisang mga estratehiya ang mga krisis na dulot ng ‘climate change’ o pagbabago ng panahon, sa halip na mga masalimuot na argumento lamang,

“Dapat kumilos ang bansa natin, hindi batay sa guni-guni lamang kundi sa sadyang mahalagang mga pangangailangan, estrategiya at ‘srvival’ o tiyak na kaligtasan,” giit ni Salceda na dati ring naging kauna-unahang Asianong co-chairman ng United Nations Green Climate Fund, at ngayon ay chairman ng ‘Institute for Risk and Strategic Studies Inc.,

Sa kanyang talumpati sa ‘National Summit on Climate and Disaster Emergency in the Philippines’ na ginanap dito sa Oriental Hotel sa Legazpi City nitong nakaraang Biyernes, sinabi ni Salceda na bagama’t isa ang Pilipinas sa mga bansang lubhang ‘vulnerable’ sa ‘climate change’ sa mundo, ang ibinubugang usok or ‘carbon dioxide’ nito ay napaka-kunti para makaambag sa krisis ng daigdig na dulot nito, kaya ang mga “kaugnay na kilos natin ay dapat maging batay sa mga benepisyong makakamtan ng bansa.”

“Isa tayo sa pinaka-bulnirableng bansa sa ‘climate change’ ngunit napaka kaunti ang ambag natin sa pandaigdigang ‘carbon emissions’ kaya dapat bigyan natin ng prayuridad ang mga hakbang na magbibigay ng direktong benepisyo sa mga Pilipino,” sabi niya. Iginiit din niya na “hindi kayang pakilusin agad ng mga argumentong ‘moral’ ang malalaking bansang lubhang malaki ang ibinubugang usok na nagdudulot ng matinding mga perhuwesyong likha nila at hindi dapat ang mga pamilyang Pilipino ang magdusa, dahil ang mga hakbang laban dito ay suportado naman ng ‘climate finance.’”

Ipinaliwanag ni Salceda na mga panuntunan lamang ng ilang malaking bansa, gaya ang China at Estados Unidos. ang pangunahing batayan ng mga pagkilos laban sa matinding  ibinubugang karbon sa mundo. “Hindi naman ibig sabihin na walang kwenta ang ‘moral’ na pakiusap dahil nakatutulong din ito ilang pagkakataon. Nunit bilang isang pangunahing estratehiya, hindi ito nagbubunga ng matagalang pakinabang, kaya sa halip na ‘symbolic gestures’ lamang, dapat manguna ang Pilipinas na gumawa ng mga akmang hakbang na magbubumga ng kapaki-pakinabang na ambag laban sa krisis na dulot ng pagbabago ng panahon,” dagdag niya.

Tinuran ni Salceda ang ilang larangan kung saan makatutulong ang Pilipinas sa pagtatag ng pandaigdigang kakayahan laban sa suliraning ito, gaya ng mga sumusunod: 1) ‘typhoon engineering and resilient infrastructure,’ ‘island energy systems and micro-grids,’ ‘blue economy and coastal resilience,’ ‘disaster response technology and early warning systems,’ at ‘climate smart food systems for the tropics.’

Inamin rin niya na ang liderato ng Pilipinas sa mga ‘global climate institutions’ ay hindi pa nagbubunga ng mahahalagang benepisyo. “Sa ngayon, nakatanggap pa lang tayo ng mga US$137 million mula sa United Nations Green Climate Fund (UNGCF), kahit na mga Pilipino ang naging responsible sa paglikom ng unang US$10.4 billion nito na nangyari sa Oslo nang co-chairman ako ng ahensiya. Mahalagang punto natin ito. Ang mataas na ‘vulnerability,’ tunay at matatag na paninindigang moral, ‘global influence,’ at kahinaan ay nakakatulong din ng malaki para ang ‘global expertise’ ay makalikha ng mga benepisyong local,’ dagdag niya.

Binanggit din ni Salceda sa kanyang talumpati ang partisipasiyon niya sa ‘High Level Roundtable of Climate Leaders’ sa ginanap na ‘Bangkok Climate Action Week’ noomg nakaraang Oktubre kung saan ipinagmalaki niya na “nalampasan na ng Pilipinas ang mga pangako nito kaugnay sa ‘climate change’ na nagawa sa pamamagitan ng mabilis na ‘renewable energy development,’ agresibong mga panuntunan, at pagpapatupad nito ng ‘Department of Energy’ na gumamit ng sariling pundo.’ Tinukoy din niya ang dapat na responsibilidad ng mayayamang bansa na tulungang punduhan ang mga hakbang sa paglipat sa ‘renewable energy’ mula sa uling at krudo.

Ang dalawang araw na ‘summit’ sa Legazpi City na pinamagatang ‘Climate and Disaster Emergency in the Philippines Towards Anticipatory and Responsive National and Local Climate Investments’ ay inurganisa ng Department of Environment and Natural Resources, Climate Change Commission, and League of Local Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction.’ 

Dumalo sa naturang ‘summit’ ang mga pambansa at local na mga opisyal, mga kinatawan mula sa pribadong sektor, ‘civil society groups,’ at mga experto mula sa mga pamanatasan. Nagbahagi din ng kanilang mga pananaw kaugnay sa ‘global climate financing mechanisms and partnerships’ ang mga delegado mula sa mga ‘international institutions’ gaya ng Asian Development Bank, World Bank, Japan International Cooperation Agency, European Union, German Agency for International Cooperation, at Korean International Cooperating Agency.

Bilang gubernador ng Albay sa loob ng tatlong termino o siyam na taon, matagumpay na binalangkas at naitatag ni Salceda ang mahusay at mabisang mga ‘disaster risks reduction management strategies and policies’ na kalaunan ay inako at ipinatutupad na ng Pambansa at mga local na pamahalaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …