MATABIL
ni John Fontanilla
KAABANG-ABANG ang webnovel na may mahigit 178 million reads sa Wattpad ni KnightInBlack na isa nang series adaptation, hatid ng Studio Viva at Webtoon Productions ang Hell University na mapapanood sa Viva One.
Ang Hell University ay isang paaralan na hindi kontrolado ng gobyerno – libre ang tuition fee at pagkain. Na pagtungtong ng 7:00 p.m. hanggang 5:00 a.m., ay puwede kang pumatay.
Ito ay pagbibidahan nina Heart Ryan at Zeke Polina kasama sina Lance Carr, Aubrey Caraan, Andre Yllana, Gabbi Ejercito, Derrick Ong, Jac Abellana, Jastine Lim, Keagan De Jesus atbp..
Mapanood ang Hell University simula January 10, 2026, sa Viva One, directed by Bobby Bonifacio, Jr..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com