MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI napigilang maluha sa labis-labis na kasiyahan ng VP Admin and Finance ng Intele Builders and Development Corporation na si Ms Maria Cecilia Bravo nang magwaging Darling of the Press sa katatapos na 41st PMPC Star Awards for Movies.
Ayon kay Tita Cecille, “Sa mga pinagpilian po, talagang alam ko po na hindi lang sa pagiging artista nila o saan man silang aspeto nsroroon, alam ko na wala akong kalaban-laban. Pero sabi nga po siguro kindness goes along way.
” And to get to know people, and to appreciate especially and of course respect, kasi napaka-importante na nirerespeto mo ‘yung tao. Kasi nararamdaman nila na nirerespeto mo sila, minamahal mo sila automatic, kaya ‘yun din siguro ang nakuha ko pabalik.”
Dagdag pa ng negosyante at Philanthropist, “Noong una hindi naman ako artista, hindi rin naman talaga ako nagpo-produce. Siguro nami-meet ko lang. Sabi ko nga sa inyo na kapag may mga pinupuntahan ako na awards night bilang businesswoman, philanthropist kaya naman po ako naroon.
“Pero nang makilala ko ang mga press napalapit sila sa puso ko. Thankful ako kasi napalapit din ako sa kanila, ito ngayon (ipinakita ‘yung trophy) ang bunga, ‘yung fruit of my labors, iba pala sila magbigay ng pagmamahal pabalik.
“Kanina umiiyak po ako talaga, thank you very much PMPC.”
Nang tanungin kung kanino iniaalay ang natanggap na pagkilala, “Sa asawa ko (Don Pete Bravo), pamilya ko, mga anak ko, mother ko, mga kaibigan ko, at iba pang sumusuporta sa akin at sa inyo siyempre mga press.
“Imagine naman ang dami-daming pipiliin, ako ang nakita n’yo. ‘Yung mabigyan n’yo nito, napakahalaga nito. This is not just something na basta-basta lang nakukuha ng mabilis.
“Ito ‘yung kailangan through the years ‘di ba? Na hindi lang na, ‘ah kailangan ngayong taon lang mabait ka, ikaw na.’ I’m so thankful,” wika pa ni Tita Cecille na nakalaban sa kategoryang ito sina Kim Chiu, Rez Cortez , Baby Go, Martin Nievera, Imelda Papin, Piolo Pascual, at Gladys Reyes.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com