MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging singer at aktres ay producer na rin si Angeline Quinto via Ang Happy Homes ni Diane Hilario.
Isa itong drama-thriller movie na pinagbibidahan din ni Angeline kasama sina Eugene Domingo, Luis Alandy, Paolo Contis, at Richard Yap sa direksiyon ni Marlon Rivera (ng Babae sa Septic Tank).
Ang Ang Happy Homes ni Diane Hilario ay tungkol sa mga tenant at kapitbahay sa isang tenement building, na may mga misteryosong patayan na nangyayari sa loob.
Maganda ang movie at mahusay si Angeline maging ang mga kasama sa pelikula,
maganda rin ang rapport nila ni Eugene.
Kaya naman watch na kayo bukas, December 3, 2025 sa mga sinehan nationwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com