Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnell Ignacio Jackstone 5

Arnell sa lalaki at bakla: walang pagkakaiba

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sa mga bida sa gay-themed movie na Jackstone 5 ang komedyante at host na si Arnell Ignacio.

Ani Arnell, “Marami rin akong mga kaibigang talagang true grit na straight.

“Siyempre, hindi ko naman sila kinukuwentuhan ng mga sexual escapade ko. Hindi sila maka-relate roon.

“Pero what I wish they will discover, that there’s really not that much of a difference.”

Pananaw ni Arnell, mapa-bakla o mapa-lalaking tunay ay pare-pareho lang naman.

“‘Yung bading, siguro naiba lang sa tono kung paano naglalahad ng kanyang kuwento.

“Basically, pareho lang naman, eh.

“Pareho lang, ang mga lalaki, may babaero. Pareho lang ang problema, nag-iiba lang ‘yung character.

“Napansin niyo, hindi naman niyo nararamdaman na nanonood kayo ng mga bakla, eh. Naaaliw lang tayo, kasi ang mga bakla kasi, ang ingay.

“Ang mga straight, hindi maingay. Pero ‘yung basic na nangyayari sa kanyang kaisipan, ang kanyang mga hinaharap na suliranin, pareho lang.

“So sana, through this movie, makapag-contribute ng realization na there’s not much to be debated upon.

“Hindi naman tayo kailangang mag-debate kung bakit tayo magkakaiba.

“Hindi naman tayo magkakaiba, eh.

“And iba lang ‘yung tono, pero ‘yung sinasabi at isinasalaysay ay pareho lang,” paliwanag pa ni Arnell.

Palabas sa mga sinehan simula ngayong December 3 at kasama rin sa pelikula sina Joel Lamangan (na actor/director sa movie), Gardo Versoza, Jim Pebanco, at Eric Quizon, mula sa APEX Creative Production, Inc., with Dennis Evangelista as line producer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …