Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aila Santos Regine Velasquez

Aila Santos ‘di malilimutan duet kay Regine

RATED R
ni Rommel Gonzales

TAGA-DAVAO City pero nag-base rati sa Manila ang female singer na si Aila Santos.

Kasi nag-start po ako sa ‘TNT,’ sa Tawag ng Tanghalan, under contract po ako ng ABS-CBN sa ‘It’s Showtime.’ Nag-start po ako noong 2017 after noong maging semi-finalist po ako, naging under contract na po ako ng ABS-CBN. Tapos dito na po ako nag-stay for like siguro almost three years din po pero most of the time pauwi-uwi rin po ako kasi nga po may mga kids po ako.

“And tumutugtog din po ako sa mga event dito tapos sa Resorts World tapos guesting po sa ‘Showtime.’

“Tapos right after po ng 2020 doon po ako nagpasya na mag-stay na po ako sa Davao City.”

Naka-collab na niya ang ibang finalists ng TNT, tulad ni Jex de Castro.

Hindi naman kami magka-season, hindi kami magka-batch pero mayroon po kaming naging parang TNT All-star concert sa Araneta Coliseum so, bale lahat po ng artist ng TNT sabay-sabay kami.

“Roon po kami nagkasama-sama, lahat po.”

Ang mga music genre ni Aila, “Ako po ay variety as a band, so bale kahit ano, puwede ako, rap, kaunting jazz, puwede po akong ballads, pop, love songs.”

May single na si Aila kasama ang banda niyang R2K, na sila na mismo ang nag-release sa iba-ibang digital platforms, ang Ikaw Pa Rin.

May mga offer po na recording we’re working on it, kung maging okay po everything it will push thru.”

May idolong singer si Aila.

Alam ko pong bugbog na sa mga tenga niyo pero wala pong iba kundi si Ms. Regine Velasquez po talaga!”

Na-meet na ni Aila ang Asia’s Songbird.

Yes! Ang first meet ko po talaga sa kanya is doon sa Davao, mayroon po siyang guesting in a show under GMA, tapos mayroon kaming competition na mga Regine song, magko-compete kami na mga contender.

“Tapos kung sino po ang mananalo iyon ang magkakaroon ng chance na maka-duet si Ms. Regine.

“Ako po ang nanalo kaya nagkaroon po ako ng chance na maka-duet si Ms. Regine.”

Ang kinanta nila ni Regine ay ang On The Wings of Love.

Hindi siya makapaniwala hanggang kumakanta na sila ni Regine.

Kasi po eversince I started, siya ang nilu-look up ko talaga.”

Ikinataba ng puso ni Aila nang sabihan siya ng idolo niya na, “Continue singing, ang galing mo!”

Sa ngayon ay namamalagi muna sa Maynila si Aila lalo pa nga at may first major solo concert siya sa Teatrino sa Greenhills sa December 13.

May titulong It’s My Turn, ang concert ni Aila ay sa idinirehe ni Marvin Caldito at produced ng Carnie Banares of Stargaze Production.

May mga surprise guest sa concert ni Aila kung kasama rin ang R2K band niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …