Bumuo ang Team Philippines ng higit sa 1,600 atleta, coach, at opisyal sa pagpunta sa Thailand—ang pinakamalaki at pinakamalakas na delegasyon ng bansa na lalahok sa 33rd Southeast Asian Games na magsisimula sa Disyembre 9 hanggang 20, 2025. Damang-dama ang enerhiya, dangal, at taimtim na determinasyon ng isang bansang patuloy na umaangat.
Ang send-off ay nakatuon sa esensya kaysa sa engrandeng palabas—pinalakas ng isang inter-faith prayer, makabuluhang mensahe mula sa mga pinuno ng sports, at isang mahalagang pabaon ng suporta: Karagdagang ₱6,000 na allowance, ₱18,000 na Christmas bonus, Specialized national athlete Mabuhay Miles card at Custom Maya + VISA card.
Ayon kay PSC Chairman Pato Gregorio,
“Gantimpala ito para sa kanilang pagpupunyagi. Ang bawat ngiti ng mga atleta at coach ay tagumpay ng bawat Pilipino.”
Pinatag naman ni POC President Bambol Tolentino ang koponan:
“Mas maraming delegasyon ang ibang bansa ngunit huwag silang maging kampante—marami tayong sorpresa. Knockout kung knockout, tumba kung tumba. Ganyan ang Pilipino—hindi nagpapatalo.”
Bukod sa suporta ng pamahalaan, nagpapatuloy din ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang lalo pang mapabuti ang kapakanan ng mga atleta. Tinitiyak ng Philippine Airlines (PAL) ang maayos at komportableng paglalakbay, habang nagbibigay ang Maya ng makabagong cashless financial system upang maging mas magaan ang pamamahala ng pondo saan man sila naroroon.
Kasama ang PAL, Maya, Elite Link, Avel, MILO®, at mga pinunong tulad nina CDM Dr. Raul Canlas, Sen. Bong Go, at Rep. Mike T. Dy III, buong tiwala at matatag na susuportahan ang ating mga atleta sa kanilang laban. (PSC MCO/HNT)
#GrassrootsToGold
#GoldToGreatness
#HappyAtletangPinoy
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com