Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry

Leave Nobody Hungry Foundation Inc., chairperson Virginia Rodriguez biktima ng online scam, nagsampa ng kaso

ANG book author at President-Chairperson ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc., na si Virginia Rodriguez ay humihingi ng tulong sa pamahalaan dahil sa sobrang pananakot at pangingikil ng P50 milyon ng isang grupo ng sindikato, kapalit ng pagpapatigil sa pagpapalabas ng mga paninira sa kanya sa social media gamit ang mga pekeng account.

Siya ay nagbabala sa publiko ukol sa mga pekeng FB account at sa ibang social media na sinisiraan ang kanyang pangalan at reputasyon sa pagpapalabas ng mga maling akusasyon at paratang laban sa kanya.

Humingi ng tulong si Ms.  Rodriguez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) upang madakip ang mga suspect na pinamumunuan umano ng isang nagngangalang alias Baby S., na isang malaking sindikato ng scammers.

Ayon kay Ms. Rodriguez, nakatanggap siya ng mga message at electronic voice calls at maraming dummy account sa social media, kabilang ang tatlong gumagamit ng pangalang Arnold Llamoso, Mon Quembot Mar, at Scammers Group Report NBI na nilikha ng mga sindikato upang kumuha ng kanyang larawan nang walang pahintulot at magkalat ng mga maling akusasyon, mga paninira, baluktutin ang impormasyon, at iligaw ang publiko.

Sinabi ni Ms. Rodriguez na puro paglilingkod lang at pagtulong ang ginagawa niya para maabot ang mahihirap nating mga kababayan.

Aniya,  ang mga account ay hindi konektado sa kanya at ginagamit sa layuning sirain ang kanyang pangalan at reputasyon.

Kinompirma niya na ang mga bagay ay pormal na iniulat niya sa mga awtoridad at ngayon ay nasa ilalim ng aktibong imbestigasyon, dahil sa mga paninira sa kanyang pangalan at pagkakalat nila ng mga maling impormasyon sa iba’t ibang government agency.

Nanawagan din siya sa mga government agency tulad ng DBM at DPWH na maging maingat dahil ginagamit ng mga sindikato ang kanilang logo sa pamemeke at paninira ng pangalan at reputasyon ng mga inosenteng tao para makikilan nila at pasukahin nang malaking halaga ang kanilang biktima. 

Hinikayat niya ang publiko na tumulong sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang mga pekeng account na nagkakalat ng maling impormasyon sa kanyang pangalan.

Hinikayat din ni Ms. Rodriguez ang mga indibiduwal na kumuha ng mga screenshot ng mga post, mensahe, o profile na kasangkot sa umano’y kampanya, na binanggit na maaaring magsilbing ebidensiya sa kasalukuyang kaso.

Pinayohan niya ang publiko na huwag makisali sa mga account na pinag-uusapan at ibahagi ang kanyang babala upang maiwasan ang karagdagang pagkalito ng publiko.

Nagpahayag ng pasasalamat si Ms. Rodriguez sa kooperasyon na kanyang natanggap at binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagbabantay sa pagwawakas sa aniya’y malisyosong aktibidad. Para mabigyan ng hustisya ang mga taong biktima ng ganitong uri ng modus na attack and collect online at para masugpo at mapanagot ang mga sindikatonf nambibiktima lalo ngayong magpa-Pasko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …