Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Benitez TESDA AI4AI Raymond Adrian Salceda

Inilunsad na Albay AI Institute, pinapurihan ni Sec. Benitez, TESDA Director General

POLANGUI, Albay – Pinapurihan ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Francisco ‘Kiko’ Benitez, ang ‘Albay Institute for Artificial Intelligence’ (AI4AI) na inilunsad at itinatag kamakailan sa bayang ito.

Pinuri din ni Benitez si Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian E. Salceda na siyang bumalangkas at lumikha sa proyekto na itinuturing na kauna-unahang “micro- credential program for AI” at paaralan sa buong Pilipinas.

“Maswerte kayo, mga taga-3rd district ng Albay, dahil meron kayong ‘congressman’ na nangunguna sa pagsulong ng ‘skills development and education,’” pahayag ni Secretary Benitez sa kanyang ‘online message’ na inilabas kasabay ng paglunsad sa proyekto at pinamagatang ‘Training on the Effective and Responsible Use of Artificial Intelligence Micro-credential Program.’ 

Mga 344 katao mula sa iba’t-ibang bayan ng Albay ang sumali sa unang pag-aaral at pagsasanay sa ilalim ng program nito sa pamamagitan ng ‘Zoom.’ Pinangunahan ito ng TESDA Albay, bagama’t ang ‘training design and contents’ ng mga aralin nito ay binalangkas naman ng mga AI4AI ‘key staff personnel.’   

Ang AI4AI ay pormal na itinatag sa ilalim ng ‘Municipal Ordinance No. 69’ na ipinasa at pinagtibay ng Polangui Sangguniang Bayan. Ang mga gusali at pasiidad nito at itinatag naman sa lote o lupain na donasyon ni dating  Albay Congressman Joey Sarte Salceda, amain ng batang mambabatas.  

Sa kanyang talumpati sa paglunsad ng proyekto, binigyang diin ni Benitez ang “kahalagahan ng responsable at moral o ‘ethical’ na paggamit” ng AI. Pinuri din niya ang lalawigan ng Albay na siyang kauna-unahang LGU sa bansa na nagkaroon ng gayong makabagong ‘technology learning facility.’  

Ayon kay Rep. Salceda, hindi lamang karaniwang mga kurso sa AI ang ituturo ng AI4AI, gaya ng pagsulat ng mga salaysay, ‘video’ o paglikha ng mga larawan at pag-edit ng mga ito. Sa halip, itutuon ang mga aralin nito sa pagdisenyo ng mga simple at ‘advanced AI tools with real-world utility,’ gaya ng ‘accounting utilities, file converters, at iba pang mga ‘productivity apps’ sa pamamagitan ng HTML at ‘JavaScript.’ 

“Ang tunay na ‘AI revolution’ ay nasa ‘natural language processing,’ na siyang tunay na daan ng totohanang mga pagbabago. Sa ilalim nito, kakausapin mo lang ang mga ‘computer’ kaya hindi na limitado ang paggawa ng mga programa at app sa mga marunong mag-code, dahil Code na mismo ang magiging linguahe,” paliwanag ni Salceda.  

“Kaya malaking sayang lang po kung gagamitin lang ito sa paggawa ng mga ‘essays, videos, or images.’ Nasa kamay na po ng bawat isa sa atin ang maging ‘computer programmer.’ At kaya na nating i-customize ang mga programa para sa kung ano talaga ang kailangan natin,” dagdag niya.   

Para patunayan ang puntong ito, lumikha na ang AI4AI ng mga bagong ‘tools’ o kagamitan, kasama na ang ‘chat-based tutor’ para doon sa mga nais mag-aral ng ‘Alternative Learning System’ (ALS), kung saan magtatanong o pag-aaralan lamang ng mga estudyante ang kanilang ‘modules’ sa pamamagitan ng ‘Facebook Messenger.’ Tuturuan din ng AI4AI ang mga mag-aaral kung paano magdisenyo ng mga bagong kagamitan para sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailamgan.

Ipinaliwanag din ni Salceda na para doon sa mayron nang mga ‘advanced skills,’ may ‘advanced programs’ naman para sa kanila. Kaugnay nito, lalagdaan ng AI4AI at Bicol University Polangui campus sa susunod na mga araw ang isang kasunduang ‘partnership’ na naglalayong turuan ang mga ‘computer science majors’ kung paano mag-disenyo ng ‘AI-powered solutions’ gaya ng ‘prototyping’ at paglikha ng mga pang-pamayanang ng ‘AI-enhanced applications.’  

Naghain kamakailan sa Kamara si Salceda ng isang resolusiyon na naglalayong i-posisyon at italaga ang Albay bilang ‘regional hub’ o sentrong pang-rehiyon ng ‘AI education and workforce development.” Inaamuki ng kanyang HR 170 ang TESDA na bigyan nito ng buong suporta ang pagtatatag ng ‘AI Readiness Institute’ sa Polangui, Albay.

Ayon kay Salceda, ang kanyang panukala ay sadyang naka-agapay sa masidhing pangangailangan ng Pilipinas na ihanda ang mga maggagawa nito sa inaasahang ‘Fourth Industrial Revolution,’ isang panahon na magtatampok ng mabilisang mga “innovations in automation, digitalization, and artificial intelligence.”

Isinasaad sa kanyang resolusiyon na napakahalaga ang gagampanang papel ng AI sa ibat’t-ibang kritikal na mga sektor gaya ng “business process outsourcing, manufacturing, agriculture, logistics, healthcare, education, and public service delivery.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …