Sunday , March 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Sonnets Lumalamig

Lumalamig ng The Sonnets gigiling na

RATED R
ni Rommel Gonzales

IRI-RELEASE na sa Disyembre 5 ang bagong awitin ng The Sonnets, ang Lumalamig under Ember Music. Ang The Sonnets ay binubuo nina Migo Bergado-Vocals/ Guitar; Justin Annie– Guitar; at Mugen Gatchalian– Drums.

Post ni Migo sa kanyang Facebook page,  “After 7353826272 years, makakapag-release na kami ng kanta. Excited kaming ibahagi sa inyo ang musika namin na pinaglaanan ng dedikasyon, panahon, at pagmamahal.

“Maraming salamat sa Ember Music sa tiwala at pagbibigay-oportunidad sa amin para magkaroon ng plataporma ang aming mga awitin at siyempre maraming salamat din sa mga patuloy pa ring sumusuporta sa amin.

“Kita-kits sa paparating na song release party namin. Follow niyo mga social namin para sa mga updates. FB: The Sonnets; IG: thesonnets_ph; TikTok: the.sonnetsph-Migo, Annie, Mugen; Pre-save our song on all streaming platforms: https://bfan.link/lumalamig

#thesonnetsph #OPM #EMBER.

Old school si Migo na ang mga music influences ay ang Beatles at si James Taylor.

Anak si Migo ni Atty. Rey Bergado na leader, bokalista, at keyboardist ng grupong Innervoices.

Me and my dad has the same taste in music talaga,” sinabi ni Migo.

Sa mga kabataang musician naman ay iniidolo ni Migo si Unique Salonga ng IV of Spades.

Fourth year Nursing Student sa De La Salle HIS si Migo at nais din niyang maging isang doktor balang-araw.

Our next gig po is at Lando’s BF Resort for our single launch party,” sabi pa ni Migo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine …

Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PAni Rommel Placente TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay …

Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PAni Rommel Placente HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Rhen aminadong nahirapan ilabas funny side ni Aemie, Direk Fifth to the rescue

RATED Rni Rommel Gonzales LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang …