Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xavier Cortez RK Rubber Cinegoma Film Festival

Cinegoma Film Festival aarangkada na, mga pelikulang kalahok kahanga-hanga

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALUHA-LUHA si Xavier Cortez habang pinapanood ang Salinggawi Dance Troupe ng University of Sto. Tomas sa ribbon cutting ng Cinegoma Film Festival sa QCX O Quezon City Experience Museum sa loob mismo ng Quezon Memorial Circle.

Rati raw kasi, ayon kay Xavier, ay kasama siya ng grupo na nagtsi-cheer sa games o events sa UST, pero ngayon ay pinaunlakan siya ng mahusay na dance troupe para maging special guest at suportahan siya sa pagbubukas ng film festival na sinimulan o pinamunuan ni Xavier anim na taon na ang nakalilipas.

Impressive ang line up ng mga pelikula na kasali sa festival, pati ang mga art card at poster ng bawat pelikula ay magaganda, halatang pinag-isipang mabuti ang konsepto at ginastusan.

Isa pang kahanga-hanga sa festival ay in full force ang mga empleado ng RK Rubber na pag-aari ni Xavier na siyang punong abala sa pestibal.

Nag-effort ang mga empleado ni Xavier na mag-costume at mag-rehearse para makabuo ng mga production number para sa opening.

At ngayong Sabado, November 29 ay gaganapin na ang final screening at awards night ng Cinegomasa Quezon City University na nahahati ang mga kategorya: Student, Commercial, Pro, gawang-AI, at mga gawa ng mismong empleado ni Xavier.

Bongga ang mga cash prizes na P5,000 hanggang P25,000 depende sa award category.

Wish namin na sa susunod na taon ay mas malaki at mas maganda pa ang pestibal ni Xavier at kayanin nang makipagsabayan sa iba pang independent film festivals dito sa Pilipinas tulad ng Cinemalaya at QCinema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …