Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Moymoy Palaboy James Macasero Ghost Project NDM Studios Njel De Mesa 

James ng Moymoy Palaboy susugalan ng NDM Studios, bibida sa isang pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY excited ang other half ng Moymoy Palaboy na si James Macasero dahil after 17 years sa industry ay mabibigyan na ng solo movie via Ghost Project ng NDM Studios ni Direk Njel De Mesa na siya ring magdidirehe ng pelikula.

Napanood natin ang Moymoy Palaboy sa mga GMA show na Bubble Gang at I Bilib at nakapag-guest sa iba’t ibang show ng Kapuso network.

Ayon nga kay James sa naganap na contract signing between Direk Njel at Eng. Atienza para sa pelikula, “First of all, maraming-maraming salamat, ito talaga after how many years since ‘Bubble Gang days 2008, 2025 and 25 years ng NDM+ ay nabigyan tayo ng chance.

“Actually pinag-iisipan ko pa ‘yung ino-offer, kasi may iniaalok din ang Paramount Pictures, bida.. Chariz lang,” biro ni James.

“Pero sobrang natutuwa ako at the same time excited dahil first ever ko ito na pelikula.

“Tapos kanina si Ms  Regine Angeles iniisip n’ya pa kung sino ako. Sabi niya, ‘Ay ikaw ‘yung kasama ni Jennylyn (Mercado), ‘yung na- lip sync kayo noong 2008, akala ko bata ka pa rin eh? ayan naalala niya,” nangingiting turan ni James.

And siyempre ‘yung mga kasama ko, bata pa lang ako idol na natin ito eh, Ms Ynez (Veneracion), si sir Lance Raymundo na kaibigan ko ‘yung kapatid niya.

“Maraming-maraming salamat sa proyektong ito dahil alam mo na paano ba nangyari ito? Bigla na lang kami nagkita ni direk Njel. Well nag-uusap kami pero nagkita kami isang beses. Sabi niya, ‘Moy ang tagal mo na sa ‘Bubble Gang,’ ‘I Bilib’ kasama si Chris Tiu, sina kuya Bitoy (Michael V), kuya Ogie (Alcasid), sa tingin ko puwede nang testingin natin kung hanggang saan ‘yung kaya mo.’ Kinakabahan ako kasi first time kong mag-aartista,” nangingiting sabi pa ng komikero.

“Pero again, sobrang perfect ng timing, 25 years at heto nagulat ako eh, ‘yung NDM ni direk, sabi ko ba’t ganoon gawa nang gawa ito ng pelikula. Nagtataka kasi ako ever since kasi gawa nang gawa ng pelikula pero hindi niya pinalalabas sa cinema. Sabi ko bakit siya gawa nang gawa ‘di ba? Hindi ko lang masabi na, ‘direk ba’t gawa ka nang gawa ‘di naman ipinalalabas?, ‘Yun pala ‘yun ‘yung NDM+.

“’Yun pala ‘yun, grabe ‘yung planning niya for how many years. ‘Yung planning ni direk and Ms Jon ay ‘yun pala yun, after 25 years nandoon sila sa planong maglabas sila ng sarili nilang streaming platform. So again congratulations direk.

“Hopefully first ever ko na project po namin ni direk sana’y magustuhan ninyo, dahil ako naniniwala rin ako sa kakayahan at galing at taba ng utak ng kasama kong direktor, direk Njel De Mesa,” dagdag pa ni James.

Makakasama ni James sa pelikula sina Dennis Padilla, Regine Angeles, Toffy Santos, Lance Raymundo & Ynez Veneracion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …