MATABIL
ni John Fontanilla
PINUNO ng tawanan, palakpakan, at iyakan ang Cinema 6 ng Trinoma Cinema sa naganap na premeire night ng pelikulang the Jackstone 5 ng Apex Creative Productions Inc., sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Pinagbibidahan ang pelkula nina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnel Ignacio, Jim Pebanco & direk Joel with Elora Españo, Rico Barrera, Marcus Madrigal, at Abed Green.
Grabe talaga kapag nagsama-sama ang mahuhusay na aktor sa iisang pelikula dahil maganda ang kalalabasan ng movie. Katulad na lang ng lahat ng kasama sa movie ay napakahusay umarte, mula sa mga batang gumanap, hanggang sa mga bida at support.
Dinig na dinig namin ang malakas na tawanan ng mga taong nasa loob ng sinehan na sinasabayan ng palakpakan ang mga eksena ng limang bida at maya-maya naman ay naluluha sa madamdaming eksena na nangyayari sa totoong buhay.
Na-enjoy namin ang pelikula dahil sa magandang script, good acting, pure entertainment, funny, attractive, at heartfelt journey ng limang golden gays.
Bukod sa napakaraming aral ang makukuha sa pelikula, kaya naman this coming Dec. 3, isama ang inyong mga pamilya, kaibigan, kamag-anak, at manood sa mga sinehan nationwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com