MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagpahuli pagdating sa takbuhan si Kathryn Bernardo dahil ito ang naging espesyal na panauhin at tumakbo sa Rexona 10 Miler Leg sa Quezon City noong November 23, 2025.
Nakibahagi rin ang ever supportive mommy nitong si Mommy Min at ang kanyang sister na si Kristine Chrysler Bernardo at ang kanyang fitness coach na si Mauro Lumba na pare-parehong tumakbo kasama ni Kathryn.
Bukod nga sa family ni Kathryn ay marami rin itong mga tagahanga na tumakbo para makita, makasama, at maka-bonding.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com