Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karl Eldrew Yulo

Yulo, bronze sa horizontal bar sa pagtatapos ng world juniors

HALOS makuha na ang silver medal ni Karl Eldrew Yulo ngunit natapos sa bronze sa horizontal bar, tinapos ang isang di-malilimutang kampanya sa 3rd Artistic Gymnastics Junior World Championships sa Marriott Manila Grand Ballroom sa Pasay City.

Bagama’t may iniindang injury sa bukung-bukong, nagmukhang makakasilver si Yulo dahil sa matibay at malinis na performance sa kanyang huling event, kung saan nagtala siya ng 14.000 points, kasama ang 0.10 bonus mula sa napakalinaw na landing.

Sa natitirang dalawang atleta, umalingawngaw ang sigawan ng mga hometown fans nang makita ang score ng gymnast sa malaking screen sa kompetisyong sinuportahan ng Office of the President, Philippine Sports Commission, at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ngunit tinapos nang magarbo ng huling lumaban, ang Colombian na si Camilo Vera, ang lahat sa pamamagitan ng kahanga-hangang performance sa apparatus, kaya’t binigyan siya ng mga hurado ng 14.533 points para masungkit ang gold.

Nakakuha naman ng silver ang American na si Danila Leykin, ang unang nag-perform, matapos magtala ng 14.233 sa prestihiyosong torneo para sa junior gymnasts na inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines at sinuportahan din ng Smart/PLDT at Cignal bilang opisyal na broadcaster.

“Parang nananaginip pa rin ako, gusto ko nga sanang sampalin ako ni coach Reyland Capellan. Nagbunga lahat ng pinaghirapan ko. Maski bronze lang, malaking bagay po ito para sa akin,”

ani Yulo tungkol sa kanyang unang at huling world junior meet bago siya lumipat sa senior ranks.

Hindi rin nakaligtas sa kanya ang bigat ng kanyang naabot, dahil may bronze din siya sa floor exercise at lumahok pa sa finals ng vault at individual all-around.

Sandali ring umasa ang lahat na tulad ng nakaraang araw, makakakuha ng bronze si Yulo sa vault matapos magtala ng 13.716 average sa dalawang vault bilang ikapitong vaulter.

Ngunit iyon ay naglaho nang sumunod si Arsenii Dukhno, isang Individual Neutral Athlete, na kumamada ng napakagandang second vault para agawin ang liderato at tuluyang manalo ng gold sa 14.333 average sa dalawang vault.

Ang mga Briton na sina Sol Scott at Evan McPhilipps, na nasa 1–2 bago lumaban si Dukhno, ay bumaba sa silver at bronze matapos makakuha ng 14.066 at 13.950, upang mapaalis si Yulo mula sa podium.

May lungkot man sa dibdib, naantig si Yulo nang makita na maging ang kanyang sikat na kapatid, ang Paris Olympic double gold medalist na si Carlos Edriel Yulo, ay naroon upang masaksihan ang kanyang laban, at niyakap siya nang mahigpit pagkalabas niya ng arena.

“Nakadalawang bronze ako kuya!” sigaw niya paglapit ng nakatatandang kapatid sa mixed zone.

“Sa susunod, tayo naman ang magkasama.”

Sa hiwalay na press conference, nagpasalamat ang kanyang mga magulang, sina Mark at Angelica, kay Japanese coach Munehiro Kugimiya, na tahimik na nanood mula sa sidelines, dahil sa pagtanggap at paghubog sa kanilang anak.

“Nagpapasalamat ako at tinanggap niya ang anak kong si Eldrew. Pinagtiyagaan ninyo siya kaya kami ay lubos na nagpapasalamat,” ani ng ina ni Yulo.

“Sana magkita-kita kami kasama ang aming anak sa 2028 Los Angeles Olympics,”

sabi naman ng ama. “Tuloy-tuloy na ito.” (PSC MCO/ HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …