Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isha Ponti Maki

Isha Ponti sobra paghanga kay Maki: ‘di lang ako makagawa ng style ng song niya

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY goal si Isha Ponti bilang isang artist.

“Ako po if ever this doesn’t work like ‘yung artistry ko, my pagiging individual artist, I plan to help other artist na lang po thru production.

“Passion ko na po talaga ever since noong bata po ako na sumali sa mga council and maging staff ng production so yeah, I’m drawn to it ever since,” sabi ni Isha.

Kaninong career ng isang celebrity ang nais sundan o marating ni Isha?

“Recently po kasi nanood ako ng Filipino music awards and one artist which struck me the most is Maki.

“But the thing is it’s different from Maki, eh. His concepts, his field is different po from mine.

“Kasi po lumaki ako sa mga old song and hindi po talaga ako makagawa niyong ganoong style ng songs.

“But I’m trying right now because that’s what I wanted, eh. So iyon po, si Maki.

”He’s amazing!”  

Gaganapin sa December 13 sa Music Museum ang The Next Ones na major concert nina Isha (Asia’s Pop Sweetheart) at Andrea Gutierrez (Bossa Nova Princess) na ang isa sa mga espesyal na panauhin ay si Rey Valera.

Ano ang mga natutunan ni Isha mula kay Rey na ilang beses na rin niyang nakasama  sa mga show?

“Okay, sobrang cliché pero he keeps on saying this; ‘Tuloy mo lang iyan!’

“Puro ganoon lang po siya, ‘Tuloy mo lang iyan.’

“Kasi it’s that simple pero may impact po talaga siya sa akin kasi nga… I mean hindi lang po sa akin, even if other people heard it, ‘tuloy mo lang iyan,’ it’s such a big impact becasue wala eh, when life hits you or may obstacles sometimes we tend to stop and wala, hindi na natin itutuloy.

“Pero siya sa phrase niya na ‘Ituloy mo lang iyan’, it kept me going.

“In terms of songwriting naman po kasi si Sir Rey talagang ano po siya sa akin, eh.

“Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘I-send mo sa akin, i-send mo sa akin ‘yung mga ginawa mo para ma-polish natin.’

“Tapos ‘yung mga sinasabi niya po sa akin was, ‘Okay iyan, basta ‘yung message ng kanta lagi mong iisipin na may sense.’” 

Produced ng Ponti Entertainment Production at sa direksiyon ni Calvin Neria, mga special guest din sa show sina Aquila Packing Nathan Randal, Graciel Hizon, at Raymond Gorospe. Available ang tickets sa  https://premier.ticketworld.com.ph/shows/show.aspx?sh=NEXTONES25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …